Victor naging makatao nang maging OFW

Pansamantalang nawala si Victor Neri sa show business. Matatandaang naging aktibo ang aktor sa pelikula at telebisyon noon. Nagpunta raw sa ibang bansa si Victor kaya nawala siya sa sirkulasyon ng pitong taon. “Sabi ko lang, ‘I need to take a break.’ Balik muna ako sa totoong buhay. Kailangan na nangibang-bansa muna ako para maranasan talaga kung paano tumira nang normal, paano mamuhay nang normal kasama ng mga taong hindi nakakakilala sa akin,” bungad ni Victor.

Kumuha ng Culinary course ang aktor sa Le Cordon Bleu sa France kaya naging isang ganap na chef. Nang makatapos ng kurso ay tumira naman sa Thailand si Victor at doon nagtrabaho sa ilang restaurants. “Doon sa isang restaurant na tinrabahuhan ko, hindi sila nahihiya na, ‘Can you please throw the trash?’ Pantay-pantay tayo eh. Aakyatin mo ang ranggo. Dito, hindi siguro mangyayari sa akin ‘yon,” kwento ni Victor.

Mas naging mabuting tao raw ang aktor dahil sa kanyang mga naranasan sa ibang bansa. “I think that’s the major reason para sa pagkatao natin, and to become a better performer also. You tend to go back to what’s real, na ang mas nakaka-interact mo ang real situations,” paliwanag ni Victor.

Samantala, 13 years old na ang panganay na anak ng aktor at nakatakda na rin itong masundan. “Tahimik na, steady na. I mean dati, we were young, nagsasaya tayo. Ngayon, iba na eh. ‘Yung reasons mo for working is totally different,” pagtatapos niya.

Ciara baby girl ang wini-wish na anak

Kamakailan ay napabalitang buntis na si Ciara Sotto. Apat na taon na ang nakalilipas mula nang magpakasal ang aktres kay Jojo Oconer. Magkahalong emosyon daw ang nararamdaman ngayon ni Ciara dahil nabuntis pa rin siya sa kabila ng kanyang mga ginagawa. “I know I don’t deserve this blessing ‘coz I haven’t really taken cared of myself. I’m always working out,” pahayag ni Ciara.

Magaling na pole dancer ang aktres at nagtuturo din siya ng pole dancing. “Then God gave me this gift. Perfect timing from God talaga. It’s a blessing,” dagdag ng aktres.

Dalawang buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ni Ciara kaya naninibago siya sa kanyang kondisyon. “Sometimes, I’m really dizzy all the time. Sometimes I vomit for no reason, but the point that I hate the most is I can smell everything,” kwento ni Ciara. Babae raw ang gustong maging anak ng mag-asawa. “We’re praying kasi ang dami kong pamangkin na boys, isa lang ‘yung niece ko. ‘Yung niece ko sobrang favorite ko siya so gusto ko ng sariling gano’n,” pagbabahagi ni Ciara. Reports from JAMES C. CANTOS

 

Show comments