Pamilya De Leon mas tumatag sa pagkakasakit ng anak

Pabalik na ngayon sa Pilipinas si Christopher de Leon pero may karelyebo siya sa pagbabantay at pag-aasikaso sa kanyang anak na si Miguel na naka-confine sa isang ospital sa San Francisco dahil sa testicular cancer.

Lumipad sa Sanfo ang panganay nina Christopher at Sandy Andolong na si Sandino nang malaman nito ang kalagayan ng kanyang kapatid.

Nakatira si Sandino at ang misis nito sa New Zealand. Si Sandino ang makakasama ni Sandy sa pagbabantay kay Miguel sa ospital.

May mga update si Sandy tungkol sa kalagayan ng anak nila ni Boyet. Nagsimula na ang chemotherapy treatment kay Miguel at  confident ang mag-asawa na gagaling si Miguel dahil mataas ang survival rate ng mga dinadapuan ng testicular cancer. Ito ang huling balita ni Sandy tungkol sa sitwasyon ni Miguel.

“This recent adversity our family had to face made our faith in our good & merciful GOD extremely stronger, our love for each other immensely deeper. It was one of the greatest challenge God allowed us to face as parents & as a tight family unit. And we wholeheartedly accepted God’s test, hard as it may be, & placed our full & complete trust in Him!

 “Our faith never wavered or waned. Thanks be to God, which giveth us the victory through our Lord Jesus Christ. Our son, Miguel’s testecular germ cell cancer w/c metastasized in his right lung is curable thru a series of chemotherapy. He had his 1st chemo early this evening. He is still slightly sedated often w/c makes it hard to for us to find the right timing to show him that we are beside him & to talk to him.

 “But on the second day of our visit, he was a little lucid & the minute he heard my voice he reached for my hand to squeeze & I saw the most beautiful smile I’ve ever seen in him. When it was my husband’s turn he was just so overwhelmed to see his tatay who kept kissing him & broke into tears w/ no sound but w/ so much relief & love not only on his part but ours as well. I would like to thank our families, our very close friends, co-workers who prayed for us, showed us so much love & support & more importantly helped us get through this trying time.

 “Thank you too to all the people who truly cared & prayed for our son. May our loving God bless you all! Thank you & God be w/ us always! “

Parang sinapian ni Mayor Duterte, Mayor Bistek sinampal ang suspected drug dealer

Napanood ko sa TV ang news report tungkol sa pananampal ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa suspected drug dealer, ang Chinese national na si Xu Zhen Zhi.

Sa totoo lang, kasampal-sampal naman talaga  si Xu Zhen Zhi dahil sa ipinakita nito na kakapalan ng mukha.

Tama ba na idikit pa niya ang kanyang mukha sa pisngi ni Herbert habang iniinterbyu ito ng media? Chaka siya ‘ha!

Mabait pa nga si Herbert dahil kontrolado ang pagsampal niya sa drug suspect. Kung ako ang nasa lugar ni Herbert, tatalbugan ko ang pananampal ni Maricel Soriano kay Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real dahil sisiguraduhin ko na manghihiram ng mukha sa aso ang pasaway na suspect.

Nakakapang-init  ng ulo si Xu Zhen Zhi dahil harapan ang pang-iinsulto niya sa batas at sa alkalde ng Quezon City. Kulang na kulang ang sampal ni Herbert sa suspect pero marami ang natuwa sa kanyang ginawa dahil parang sinapian siya ng tapang ni Mayor Rodrigo Duterte ng Davao.

Richard excited na sa pagiging Master Silencer

Invited ako sa presscon ng Quiet Please! Bawal Ang Maingay kaya hindi ko puwedeng makalimutan na ngayon ang unang gabi sa telebisyon ng game show ni Richard Gomez sa TV5.

Gamay na gamay ni Richard ang game show hosting dahil nasanay at nahasa siya sa Family Feud.

Excited si Richard bilang Master Silencer ng Quiet Please! dahil sa unique concept ng programa. Masayahin at maraming opinyon na tao si Richard pero nakontrol niya ang sarili sa Quiet Please! dahil bawal ang maingay  habang ginagawa ng mga contestant ang mga challenge na ibinigay sa kanila ng Master Silencer.

Show comments