Marian at Dingdong engaged na!

MANILA, Philippines – Inalok na ni Kapuso star Dingdong Dantes ang longtime girlfriend at GMA7 primetime queen Marian Rivera na lumagay sa tahimik.

Nag-propose si Dingdong ngayong Sabado ng gabi sa harap ng kanilang mga pamilya at mga fans sa dance show ni Marian.

Maluha-luha ang dalawa sa kanilang pag-uusap na live sa telebisyon.

“I want to spend the rest of my life with you… will you be my wife?” tanong ng nakaluhod na si Dingdong habang hawak ang singsing.

Tumugon si Marian at saka pinaghahalikan ang longtime boyfriend.

“Sa dami ng pinagdaanan natin, sa lahat ng batikos na inabot natin, lahat ‘yon kaya kong lunukin dahil  alam natin kung ano ang totoo,” banggit ni Marian kay Dindong.

“Habambuhay kitang mamahalain at aalagaan. Kahit ilang anak kaya kong ibigay kasi ganoon kita kamahal,” dagdag niya.

Show comments