FPJ at Dolphy kinilala ng Cinema One sa kanilang 20th anniversary

MANILA, Philippines - Inihatid ng nangungunang cable channel ang isang gabi kung saan nagtipon ang loyal fans at supporters ng channel upang ipagdiwang ang ika-20 taong kasama ang Cinema One.

Isang selebrasyon para sa pelikulang Pilipino gamit ang musikang Pinoy rin ang naganap noong Agosto 3, kung kailan nagtipon ang ilan sa mga pi­na­­kamahusay na musikero ng bansa kasama ang host na si KC Concepcion.

Nagbahagi ng opening production number sina Jed Madela, Angeline Quinto, Jovit Baldivino, at KZ Tandingan, na nagbigay ng kanilang sariling performance ng theme song na Parang Sine/La­ging Kasama.

Sina Rachel Gerodias, Hajji Alejandro, Verni Var­ga, Christian Bautista, Princess Velasco, Sam Concepcion, at Morisette Amon ay naghatid na­man ng isang production number kung saan tampok ang mga theme song galing sa mga paboritong romantic movies ng bansa. Sina Yeng Constantino at Raimund Marasigan naman ang naghatid ng production number kung saan tampok ang independent film scene o indie movies. Sinamahan sila nang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Ibinahagi nila ang kani-kaniyang rendisyon ng mga theme song mula sa mga kinabilibang pelikula.

Ang paboritong komedyante naman na si Pokwang ay kasama rin sa selebrasyon sa kanyang pag­­babahagi ng pinakanakakatawang experiences sa kanyang mga nagawang pelikula sa pamamagitan ng isang stand-up comedy act.

Noong concert, binigyang parangal din ang apat na Numero Uno Cinema One Icons. Kasama rito sina Fernando Poe, Jr. at Dolphy. Sina Bryan Poe Llamanzares, Epi, at Vandolph Quizon ang mga tumanggap ng kanilang award para rito. Kasama rin sa awardees ang dalawa sa mga pinakaimportanteng babae sa mundo ng Pinoy cinema na sina Nora Aunor at Vilma Santos.

Abangan ang Cinema One 20th Anniversary Con­cert na mapapanood sa Agosto 15 via pay-per-view ng Cinema One. Para sa impormasyon sa pag-ere nito sa Cinema One, puntahan ang Facebook page ng Cinema One (www.facebook.com/Cine­ma1Channel).

 

Show comments