GF ni Enchong na si Sam Louise na model, ayaw pang pakita

Isa umanong modelo na nagngangalang Sam Louise ang non-showbiz girlfriend ni Enchong Dee na ayaw niyang i-reveal in public dahil isa umano itong pribadong tao at hindi taga-showbiz. Ang mahalaga raw ay inamin ni Enchong na meron siyang non-showbiz girlfriend.  Pero hanggang kailan ito itatago at maitatago ni Enchong?

Being a public figure that he is, malabong maitago niya ito nang matagal dahil hindi talaga siya tatantanan ng entertainment media.  But as it is, masaya umano si Enchong sa kanyang girlfriend. For sometime ay na-link si Enchong sa young star na si Julia Montes.

Piolo sunud-sunod ang biyaya

Kapamilya ultimate heartthrob Piolo Pascual  will be featured sa E! News Asia Special sa E! Channel na mapapanood on September 28 at 9 p.m.  Si Piolo ang siningle-out na Pinoy actor para ma-feature along with other Asian stars tulad ni Lisa Surihani ng Malaysia, Jay Park ng South Korea at Aaron Aziz ng Singapore.

Pagkatapos ng kanyang megahit movie with Toni Gonzaga and Iza Calzado na Starting Over Again, si Piolo ay regular na napapanood ngayon sa seryeng Hawak Kamay along with childstars Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, at Zaijian Jaranilla at ang bagong child actress na si Ayesha Camile.

Piolo is also the proud father ng kanyang one and only son, ang 17-year-old na si Inigo Pascual sa kanyang non-showbiz ex-GF na naka-base sa Amerika.

Mark susubukan uling ligawan si Rachelle Ann sa London

Engaged to be married na ang ex-GF na beauty queen ni Mark Bautista na si Gwendoline Ruais sa athlete-model na si David Semerad.  Tumagal din ng isang taon ang relasyon nina Mark at Gwen.

Paalis ngayong August 16 si Mark patungong London para gampanan ang character ni Pres. Ferdinand Marcos sa West End run ng Here Lies Love na magsisimulang mapanood next month at magtatapos sa unang linggo ng Enero 2015.

Parehong single at loveless sina Mark at kasamahan nito sa Viva at kaibigang si Rachelle Ann Go na nasa London ngayon para sa revival naman ng Miss Saigon sa West End na nagsimula last May.

Since pareho silang malayo sa kanilang pamilya at mga kaibigan, tiyak na magba-bond sa London sina Mark at Rachelle Ann at hindi imposibleng ma­ging sila balang araw. Inamin na dati sa amin ni Mark na niligawan din pala niya noon si Rachelle Ann pero umayaw umano ang ina nito kaya hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang panunuyo sa dalaga.

Show comments