Kailan kaya magkakaroon ng lakas ng loob ang showbiz couple na ito na aminin ang kanilang relasyon? Single si singer-actress (SA1) at si singer-actor (SA2) ay matagal nang hiwalay sa live-in partner niya.
Libre ang showbiz couple na aminin ang kanilang relasyon, pero hindi pa rin nila magawa. Kapag natatanong ang bawat isa sa kanilang relasyon, parehong nagde-deny at nagugulat pa kunwari kung bakit sila nali-link.
Sa pagsuporta sa kani-kanyang projects pa lang ipinapakita ng dalawa ang kanilang relasyon. Sa opening ng stage play ni SA1, laging present si SA2 at sa gala screening ng movie for Cinemalaya ni SA2 sa CCP noong isang araw, nakita namin si SA1 bilang pagsuporta kay SA2.
Para siguro makaiwas sa tsismis, hindi nilapitan ni SA2 si SA1 kahit noong tapos na ang movie. Mga kasama sa network ang ka-join ni SA1 at nang biruin namin ang isa sa kanila na alam namin kung bakit naru’n si SA1, “alam na” ang sagot nito.
Dingdong tambak ang trabaho sa birthday ni Marian
Matutupad na ang hinihintay ng fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mag-guest ang aktor sa dance show ng GF. This Saturday, sa live at birthday presentation ng Marian, guest si Dingdong at isang special na dance number ang inihanda nila sa DongYan at sa viewers ng show.
Nang makausap si Marian, ang gusto’y lambada ang isayaw nila ni Dingdong. Ang suggestion ng press ay sayaw sa Dirty Dancing movie na bagay sa kanila.
Sa August 12 ang birthday ni Marian at hinihintay ng fans ang ireregalo sa kanya ni Dingdong. Nang mag-birthday ang aktor noong Aug. 2, party sa Manila Peninsula ang bigay ni Marian at kinuha ang Wolfgang Band para tumugtog.
Samantala, pangungunahan ni Dingdong ang National Youth Commission sa Philippine celebration ng International Youth Day sa Aug. 12 bilang head ng NYC Committee on Environment. Ang celebration this year ay tungkol sa partisipasyon ng mga kabataan sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).
Ang two-day consultative forum/workshop ay tinawag na Usap-kilos Kabataan Para Sa Kaligtasan at Kalikasan gagawin sa Bayview Hotel. Busy si Dingdong sa birthday ni Marian, paano sila makakapag-celebrate sa birthday ng aktres?
Aiza gustong magka-abs para kay Liza
Fund-raising concert ang High on Love nina Aiza Seguerra at “asawang” si Liza Diño scheduled on August 22, 8:30 p.m. at the Music Museum. Ang kikitain sa full acoustic flamenco concert ay gagamitin ng dalawa para magprodyus ng pelikulang tungkol sa Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender o LGBT.
Excited na ang dalawa sa gagawing movie na hindi lang tungkol sa love story nila, ginawa lang handle ang love story nila at hindi rin sila lovers. Muslim ang role ni Liza at hindi romance ang tema. Biro ni Aiza na dapat may abs siya bago simulan ang shooting ng movie, kaya magpapa-Belo siya.
Natawa lang kami dahil nagturuan sina Aiza at Liza kung sino ang unang sasagot sa tanong kung payag silang magkaroon ng kissing scene sa ibang kapareha. Payag si Liza, pero may hangganan daw na sinagot ni Aiza ng “You are an actor, but you are married now.” Awww, ang sweet!
Ipinaalala pa ni Aiza na lahat ng ginawang pelikula ni Liza, may pumping scene gaya sa In Nomine Matris na pinanood niya kasama ang mga magulang at mga kaibigan. Hindi raw niya alam kung ano ang gagawin that time.
Ang Araw Gabi na may version si Regine Velasquez ang theme song nina Aiza at Liza. Ang She’s Always a Woman ni Billy Joel naman ang song ni Aiza kay Liza as a person at Wild Thing as a lover. Si Liza, ang song niya for Aiza as a person ay You Are My Song and as a lover, You’re Sexy and You Know It.
Anyway, tickets to High on Love are priced at P2,000, P1,500, at P800 at produced ng Fire and Ice Productions nina Aiza at Liza.. For inquiries, call 0905-2116425.