PIK: Nai-enjoy talaga ni Regine Velasquez ang Sarap Diva lalo na kapag kapwa singers ang special guest niya.
Ngayong umaga sa Sarap Diva ay may jamming session siya kina Lolita Carbon at Bayang Barrios na nag-share ng kanilang kuwento at nakikanta sa mga paboritong awitin ng Asin at ni Bayang.
Pinuntahan din ni Regine ang Flor’s Garden sa Antipolo na kung saan natutunan niya ang iba’t ibang herbs at plants na parehong medicinal at pampaganda pa na kayang-kaya niyang itanim sa kanyang bakuran.
PAK: Binibigyan ni Iza Calzado ang sarili ng dalawang taon, puwede na raw siyang magpakasal.
Hindi pa naman daw nila napapag-usapan ng boyfriend niyang si Ben Wintle pero siyempre wish naman ng aktres na sana ito na nga raw ang lalaking makakasama niya habang buhay.
Nagsisimula nang mag-promote si Iza ng pelikula niyang Somebody to Love sa Regal Films na magsu-showing na sa August 20.
Sana nga two years from now ay magiging Mrs. Wintle na siya dahil gusto naman daw niyang maganda pa rin siya at mukhang bagets pa rin sa kanyang wedding day.
“Siyempre, dapat may pagka-fresh pa ‘pag kinasal ako ‘di ba?” pakli ni Iza.
BOOM: Sa susunod na buwan ay muling maghaharap ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa korte, at inaasahang maging maayos ang pag-uusap nila at magkasundo na sila uli alang-alang sa kanilang anak.
Ayaw na kasi talagang magsalita ni Raymart dahil mahigpit na raw talagang ipinag-utos ng korte na wala nang may magsasalita at magpu-post sa kanilang Instagram lalo na’t involved ang mga bata.
Pero kamakailan lang ay nag-post si Claudine ng mga litratong magkasama sila ni Raymart at mga anak nila nung sinilebrayt nila ang kaarawan ng bunso nilang si Santino.
Hindi kaya mapagalitan si Claudine ng korte dahil diyan? Hindi kaya makakaapekto pa ‘yan sa kasong dinidinig?