Wala pang comment si Carla Abellana sa isyung lumabas na kasama nila ng kanyang pamilya si Tom Rodriguez sa panonood ng concert ni Katy Perry sa Australia sa November 25. Ang daming isyu kasabay nito at pinalalabas na hindi na lang pang magka-love team ang relasyon ng dalawa.
Hindi maganda ang mga itinatawag kay Carla at dahil kilala itong nagre-react, hinihintay na kung paano niya sasagutin ang isyu nila ng kapareha sa My Destiny.
Samantala, kaya pala Villa Cara ang pangalan ng four-bedroom house na ipinapatayo sa Tagaytay, dahil Cara raw ang palayaw ng aktres. Ang bahay ang isa sa mga rason kung bakit nagsisipag ang aktres dahil hindi lang ito para sa kanya, but for her family as well.
Sa August 20, ang showing ng Somebody to Love na sina Matteo Guidicelli at Jason Abalos naman ang leading men niya. Si Joey Reyes ang director nito.
Nanay ni Kristoffer nagsalita sa ginawang pag-audition ng aktor sa kabilang network
Agad naming inalam kung totoo ang na-text sa aming nakitang nag-audition for a new show sa ABS-CBN ang Kapuso talent na si Kristoffer Martin. Tanong ng nag-text sa amin kung may kontrata pa sa GMA 7 ang new actor at bakit nag-audition ito sa kabila.
Nakausap ng friend namin ang mom ni Kristoffer at itinanggi ang balita, hindi raw sila napupunta sa ABS-CBN at hindi mag-o-audition ang aktor dahil seven years pa ang kontrata nito sa GMA-7.
Inaasam-asam Ellen may binabalak kay Dennis!
Tuloy na ang pagtatambal sa pelikula nina Dennis Trillo at Maja Salvador sa Regal Entertainment. Noong Martes ng gabi ginawa ang storycon ng pelikulang hindi na Maybe This Time, kundi Now and Forever ang working title. Si Dondon Santos ang director ng nasabing pelikula.
Nang pumirma ng kontrata sa Regal si Ellen Adarna, nasabi nina Mother Lily at Roselle Monteverde na kasama ito sa cast at excited si Ellen. Bukod sa matagal na niyang crush si Dennis, matagal na niya itong gustong makatrabaho.
Nang magkasama sila sa Bubble Gang, hindi sila masyadong nakapagtrabaho at sabi ni Ellen, tinitingnan na lang niya ang aktor na gusto niya ang mukha. Nagbiro ang aktres na babawi siya ‘pag nagkasama na sila sa pelikula ni Dennis. Matutupad na ‘yun. Hala ka Dennis!
Nicco gustong agawin si Eugene sa amang si Jose?!
Ipagmamalaki ni Jose Manalo ang anak na si Nicco Manalo dahil ang husay sa The Janitor sa role na lookout ng mga bank robbery, lalo na sa torture scene niya. After watching the movie, marami ang nagsasabing malakas ang laban nito sa best supporting actor.
Nasa Barber’s Tale rin si Nicco at sa presscon, hindi ito nakapag-react sa biro ni Eugene Domingo na mas type niyang ma-link kay Nicco kesa kay Jose na nali-link sa kanya mula nang magkasama sila sa Celebrity Bluff. Sabi naman ni Nicco sana ay sa kanya na lang ma-link si Eugene.