Ayaw daw ni Robin Padilla na magkaro’n ng boyfriend ang kapatid niyang si BB Gandanghari. Pwede ba yun? Makakatiis ba ang isang tao na walang minamahal o nagmamahal sa kanya, lalo na ang isang beki na lahat ay may kept man o lover? Kapag pinagbawalan mo silang magkaroon ng lalaki, parang sinabihan mo na rin silang huwag huminga.
Mariel payag nang pabuntis
Samantala, pumayag na rin si Binoe at ang asawa niyang si Mariel Rodriguez na magkaroon na ng anak. Thirty years old na ang TV host kaya pwede na siyang magbuntis. Dapat nga ay magmadali na sila dahil habang tumatanda ang isang babae ay mahihirapan na itong magbuntis. Kaya double time, Binoe!
Angeline takot mapuyat
Mukha namang si Angeline Quinto ang may problema kaya hindi nagtutuluy-tuloy ang pag-aartista niya. Takot kasi ito na mapuyat dahil maapektuhan ang boses niya. At sa pagkanta siya kumikita nang malaki. Tinanggihan nito ang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na magtatampok sana sa kanila ni Derek Ramsay. Sinalo ito ni Jennylyn Mercado. Pero hindi pa sumusuko ang prodyuser ng nasabing movie. May isa pa itong project na ginagawa para rin sa nasabing producer.
Jose dapat maunang makipag-usap sa anak na si Nicco
Sana magkabati na rin ang mag-amang Jose at Nicco Manalo. Nag-aartista na rin ang anak ng Dabarkad, pero kahit mga ilang pelikula na rin ang nagagawa nito ay hindi pa rin niya layon na magkita’t magkausap sila ng ama. May hinanakit pa rin siya rito, pero amenable siya sa pagkakasundo nila but not now. Humihingi pa siya ng sapat na panahon para magawang harapin at kausapin si Jose. Ano kaya Jose kung ikaw na ang siyang maunang bumati sa anak mo?