Bagong show ng Disney limang araw magtatanghal sa ‘Pinas

Marami ang naghahanap at nanghihingi ng complimentary tickets para sa Disney Live! Presents Three Classic Fairy Tales at isa lang ang ibig sabihin nito, tiyak na patok sa mga Pinoy ang live show ng Disney na limang araw na mapapanood sa Mall of Asia Arena sa September 10 hanggang September 14.

Very affordable ang ticket price ng Disney Live na dadalhin sa Pilipinas ng Limitless Ventures, production company nina Miles Roces, Ivan Zalameda, at  Icel Argana. Nagbibigay sila ng special rate sa mga school at grupo na type na makita nang personal ang mga sikat na Disney character.

Dumalo kahapon sa press launch ng Limitless Ventures at Disney Live si TESDA Secretary Joel Villanueva na abswelto sa pilit na pagsasangkot sa kanya sa PDAF scandal.

Matalik na magkaibigan sina Papa Miles at Papa Joel na involved din sa Disney Live.

May kasunduan ang dalawa na bibigyan ng Limitless Ventures ng discount  sa tickets ang mga kababayan natin na tinutulungan ng TESDA para mapanood nila ang Disney Live!

Nagpapasalamat si Papa Joel kay Miles at sa mga business partner nito dahil sa pagpapahalaga na ibinibigay ng kumpanya sa Filipino people.

Sosyal ang Limitless Ventures dahil mga world-class event ang kanilang mga project. Unang dinala ng grupo ni Miles sa Maynila ang Iron Chef at susundan ito ng Disney Live!

Siyempre, isa ako sa mga naglambing kay Papa Miles na bigyan niya ako ng complimentary tickets dahil sa ipinagmamalaki nila na dynamic storytelling, award-winning music, stunning costumes, at glittering special effects na tiyak na kagigiliwan ng audience.

Sa mga interesadong mapanood ang Three Classic Fairy Tales ng Disney Live! maaaring malaman ang kumpletong detalye sa 224-2171 o sa website ng Disney Live na may address na www.disneylive.com.ph.

Direk Chito ‘di papayagang makipagkasundo si Vhong sa kampo ni Cedric

Nagkakamali ang mga umaasa na makikipag-areglo si Vhong Navarro sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Nagsalita na nang tapos ang manager ni Vhong na si Chito Roño. “No way!” ang sagot ni Chito sa mga nagtatanong kung papayag si Vhong na makipagkasundo sa mga tao na bumaboy sa pagkatao niya.

Hinding-hindi makikipag-ayos si Vhong. Ngayon pa ba siya makikipag-areglo eh umuusad na ang mga kaso niya laban sa grupo nina Deniece at Cedric?

Buong-buo na ang desisyon ni Vhong. Wala nang puwedeng makapagpabago sa kanyang isip dahil walang katapat na datung ang mga naranasan niya noong gabi ng January 22, 2014.

Show comments