Kahit pala caddie, biktima ng dating TV host na palamura at mainitin ang ulo.
Kuwento ng source ko, madalas daw na nagwo-walk out ang caddie ni TV Host na walang masyadong trabaho ngayon dahil ‘pag natatalo raw ito, automatic na umiinit ang ulo at grabe ang pagmumura na hindi raw kinakaya ni Ms. Caddie (yup, a girl).
Caddie ang tawag sa taong tagadala ng player’s clubs at tagakuha ng ball ng isang golf player.
Kaya kahit daw bayaran pa si Ms. Caddie ng bongga, nilalayasan nito ang pinagsisilbihang TV host dahil nga sa sobrang pagmumura ‘pag nanatalo sa larong golf. At ang pinaka-the height, minsan daw ay itinatapon pa nito ang clubs niya sa sobrang init ng ulo.
Oh well, nothing is new. Kilalang mainitin ang uli ni Mr. TV host.
Pag-iyak at pagmamakaawa ni eugene parang walang epekto, mas mabuting i-promote ang pelikula
Interesting nga pala ang kuwento ng pelikulang Barber’s Tale na bida si Eugene Domingo na balitang magkakaroon ng commercial release. Umikot na ito sa maraming International Film Festival. Dineklara na ring best actress si Eugene sa Tokyo International Film Festival.
Malungkot ang kuwento ng Barber’s Tale pero sobra ang galing ni Eugene Domingo.
Ma-promote lang sanang maigi para panoorin. Parang hindi kasi eepekto ang promo nilang umiiyak si Eugene dahil pagod na raw siyang mag-promote ng mga pelikula niyang sadly ay hindi nga kasi ginagastusan ng mga mahihilig sa sine. Last year ay nakailang pelikula si Eugene pero nakakalungkot na sumemplang lahat sa takilya.
Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Barber’s Tale na kuwento ng isang nabalong misis ng barber na ipinagpatuloy ang negosyo ng asawa. Pero nagkaroon siya ng ugnayan sa mga rebelde nang hingan siya ng tulong ng inaanak (Nicco Manalo) para lumabas sa gobyerno ng administration ni Marcos na nagdeklara ng Martial Law noon. Pero may major twist na mangyayari nang mapatay ang kaibigan niyang asawa ng mayor na ginugupitan din niya.
Bukod kay Eugene, magaling din sa pelikula si Gladys Reyes at maging si Sharmain Buencamino (consistent naman).