MANILA, Philippines - Inanunsyo na ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa pamamagitan ng isang TV plug na malapit nang ipalabas sa ABS-CBN ang pinakabago nitong realiserye na I Do, isang orihinal na konsepto tampok ang mga magkasintahang gustong magpakasal.
Ayon kay Juday, na siyang magsisilbing host ng programa, siyam na couples na may bukod-tanging love story mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang magiging contestants dito at papatunayan ang kanilang kahandaan para sa buhay mag-asawa sa pamamagitan ng pagharap sa challenges na hahamon sa tibay ng kanilang pagsasama at pagmamahalan.
Sa huli, isang couple lang ang matitira at siyang magwawagi ng P1 milyon, house and lot, at ang kanilang inaasam na grand wedding.
Matatandaang noong Enero, ginanap ang ribbon-cutting ceremony at blessing sa I Do village kung saan titira ang mga kalahok na magkasintahan.
Abangan ang pagsisimula ng ‘journey to happy ever after’ malapit na sa ABS-CBN.