Totoo ang tsika, hinawakan nga ni Cesar Montano ang 38 cup DD left boobs ni AiAi delas Alas sa Cinemalaya entry ni director Nick Olanka sa New Breed Category na Ronda. Bukod sa hawak sa boobs, may passionate kissing scene ang dalawa, pero ‘yung love scene, hindi na ipinakita.
Tahimik ang Main Theater ng CCP sa eksenang hinawakan ni Cesar ang boobs ni AiAi at sa kissing scene nila. Pagkatapos na ng movie nag-ingay ang tao, noong nasa lobby na ng CCP at pinag-usapan ang eksena na first time ginawa ni AiAi.
First time namin napanood sa movie si AiAi na hindi nagpatawa at hindi tumawa. Dalang-dala nito ang karakter ni Paloma Arroyo na hindi masaya sa buhay at pinuproblema ang anak na bading pala (Julian Trono). Mahusay si AiAi lalo na sa last scene, puwede pala siyang hindi magpatawa sa pelikula.
Nakakagulat ang twist ng Ronda, hindi namin isinulat para hindi ma-preempt ang hindi pa nakakapanood nito.
JC at Erich may follow up movie agad
Matutuwa ang fans nina JC de Vera at Erich Gonzales dahil ipalalabas pa lang bukas, Wednesday, ang pelikula nilang Once a Princess, may kasunod na silang pelikula. Hindi maghihintay ng matagal ang magkakagusto sa kanilang tambalan dahil sa December, may pelikula na naman sila.
Sina JC at Erick ang bida sa Ahas episode ng Shake, Rattle & Roll XV sa direction ni Dondon Santos at una sa three episodes ng Regal Entertainment movie na every year hinihintay ng moviegoers.
Si Laurice Guillen ang director ng Once a Princess na sabi ni JC, nahirapan siya noong una, pero hindi siya ninerbyos dahil maraming interesting na itinuro sa kanila ang director.
Ayon naman kay Erich, nang tanggapin niya ang pelikula, buo ang pagtitiwala niya sa kanilang director.
Pagiging ‘autistic’ ni Miguel lalong nagpasikat sa aktor
Unti-unti nang nagbubunga ang hard work ni Miguel Tanfelix sa Niño dahil nagiging paborito siyang cover ng magasin. After mag-cover sa Candy magazine, nag-pictorial ang young actor para mag-cover sa isa pang magasin na lalabas sa September.
May endorsement na rin si Miguel, kasama si Bianca Umali at kinuha na rin siya para sa five-mall show tour na sabi ni Direk Maryo J. delos Reyes, ngayong August mangyayari.
Gladys first timer sa indie
First indie film ni Gladys Reyes ang Barber’s Tales, kaya memorable sa kanya ang pelikula lalo na ang makatrabaho si Eugene Domingo at ang ibang cast at si director Jun Lana. Grateful itong naisip siya sa role ni Susan, isa sa mga kaibigan ni Marilou (Eugene) na mahirap magbuntis.
Ipinagmamalaki ni Gladys ang Barber’s Tales at wish nitong hindi R-13 ang classification na ibibigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB ) dahil gusto niya itong ipapanood sa kanyang mga anak ‘pag ipinalabas na simula August 13.
Rafa nalublob sa sariling dumi!
Naka-relate si Cris Villonco sa karakter niyang si Anna sa Hari ng Tondo na palabas sa Cinemalaya X na hindi natuloy ang kasal at ibinalik ang engagement ring sa fiancé niya dahil nangyari sa kanya in real life. Ayaw na nga lang nitong pag-usapan ang hindi natuloy na kasal dahil may bago siyang BF at masaya siya sa piling nito ngayon.
May eksena rin sa movie na tiyak ipagre-reak ng moviegoers. Ito ‘yung eksenang nagbabawas si Ricky (Rafa Siguion-Reyna), nadulas ang isang paa at swak sa inodoro at nalublob sa kanyang dumi. ‘Kaloka!