^

PSN Showbiz

Aktor huling-huli ng karelasyon sa piling ng ibang beki

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May nakaraan ang dalawang kilalang male personalities. Hindi lang sila naging magkarelasyon, nag-live-in din sila, matagal silang nagsama sa bahay ni Actor A.

Pagkatapos ng trabaho ni Actor B ay hindi siya umuuwi. Du’n muna siya tumutuloy sa bahay ni Actor A. du’n na siya nagpapalipas nang magdamag, umuuwi na lang siya kapag malapit nang sumikat ang araw.

Palaging ganu’n ang rutina ni Actor B. Dalawang bahay ang inuuwian niya. Hindi sila nakikitang magkasama sa labas, lihim na lihim ang kanilang relasyon, maingat si Actor A. Discreet ang kanilang relasyon.

Isang araw ay nakaramdam si Actor A, madalas nang hindi umuuwi sa kanya si Actor B. Nagmanman ito, pinagana ang kanyang pakiramdam, meron itong natuklasan.

May taping nu’n si Actor B, tumawag siya kay Actor A na marami pa siyang gagawing sequences, matatagalan pa bago siya makauwi. Walang kaalam-alam si Actor B na nalaman na ni Actor A ang totoo na matagal na siyang tapos, kaya lang ay meron siyang ibang pinagkakaabalahan, hindi pa muna binuking ni Actor A ang kanyang karelasyong aktor.

Isang madaling-araw ay gumamit ng ibang sasakyan si Actor A, kasama ang isang kaibigan ay nag-abang sila sa tapat ng bahay ni Actor B, presto! Nakita nilang lumalabas mula sa bakuran ang isang kilala nilang kotse, sasakyan ‘yun ng isang beking aktor, ito na pala ang bagong pinagkakaabalahan ni Actor B.

Parang eksena sa pelikula ang komprontasyon nina Actor A at Actor B. Simple lang ang sinabi ni Actor A, “I cannot love you anymore because you betrayed me. I don’t trust you anymore. I will go somewhere, when I return, I don’t want to see any of your stuff here.

 “You can leave. Thanks for the good and bad times. Have a happy and peaceful life with ____(pangalan ng beking aktor na may asawang aktres). I will not listen to your explanation, I don’t need it. Alam ko na ang buong istorya tungkol sa inyo. Goodbye.”

Mula nu’n ay nagpalipat-lipat na ng karelasyon si Actor B. May artista, may direktor, may player, may modelo, may negosyante. Lahat ay kapareho rin niyang beki.

Ubos na ubos!

Mariel hindi makasabay pag nagagalit si Robin

Kinasasabikan na namin ang unang sultada ng Talentadong Pinoy sa August 16. Gusto naming makita ang bagong atake nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa malawak na talent search ng TV5 na unang hinawakan ni Ryan Agoncillo.

Isang sosyal at isang masang-masa. Siguradong maganda ang kalalabasan ngayon ng daloy ng Talentadong Pinoy sa mga kamay ng mag-asawang Robin at Mariel.

Kung matatandaan ay nagkakilala sina Robin at Mariel sa programa ni Willie Revillame nu’ng pansamantalang humalili si Binoe sa aktor-TV host. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nagkaroon na ng mga estrelya sa paligid si Robin.

Maganda ang takbo ng kanilang pagsasama, malaking milagro ang nagagawa ng pag-uunawaan ng magkarelasyon, kapag mainit si Robin ay tahimik lang si Mariel.

Kapag si Mariel naman ang nagto-talk show (read: dumadaldal) ay suwabe lang ang action star, nakikinig lang sa kanyang misis, hindi sila nagkakaroon nang matitinding argumento.

Nang ialok ng TV5 kay Robin ang hosting ng Talentadong Pinoy ay isa lang ang tinanong niya. Wala ba siyang masasagasaan sa pagtanggap sa talent search? Wala bang magdaramdam sa kanya? Ganu’n kamarespeto ang aktor sa kanyang mga katrabaho sa industriya.

May magbabago sa takbo ng talent show, mas interesante ang mga bagong segments na binuo ng produksiyon, mabibigyan ng bagong buhay at bagong kasiyahan ng mag-asawa ang manonood sa kanilang kapasidad bilang mga hosts.

Minsan pa nating matutunghayan ang mga nakatagong talento ng ating mga kababayan sa August 16, alas siyete y medya hanggang alas otso y medya nang gabi sa TV5.

 

vuukle comment

ACTOR

ACTOR A

ACTOR B

ISANG

LANG

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with