MANILA, Philippines - Hindi na si Richard Gomez ang Chief of Staff ng kanyang misis na si Congw. Lucy Torres. Kumalas na siya para makapag-concentrate uli sa kanyang career. Pero tumutulong pa siya sa pagpaplano sa pag-unlad ng distrito ni Ms. Lucy. “Hindi na ako chief of staff. Wala na akong time para roon. Houseband na lang ako,” say ni Goma kahapon sa presscon ng kanyang kauna-unahang game show sa TV5, Quiet Please! Bawal ang Maingay! na mag-uumpisa na sa August 10, Sunday, 8:00 p.m. with K Brosas as co host. Matagal-tagal ding naging chief of staff si Goma ng opisina ni Congw. Lucy.
Sa presscon, nagpa-sampol ng game show sa ilang entertainment press at in fairness ang saya ng concept ng programa dahil pati pala audience bawal mag-ingay pag may naglalaro.
Samantala, hindi na masyadong nag-e-expect si Goma na masusundan pa ang anak nilang si Juliana. Hindi na sila nagko-control pero hindi talaga sila nakakabuo. Ok na raw ang isa. Pero kahit dalaginding na ang anak nila, biro niya, kakalbuhin niya ang anak pag nakipagrelasyon agad ito. “Hindi muna siya puwedeng mag-boyfriend.” Biglang napag-usapan ang isyu dahil si Nay Lolit Solis ang nagtanong kung payag na siyang magka-boyfriend ang unica hija dahil binanggit ni Ogie Alcasid sa kanyang presscon para naman sa kanyang concert na Throwback Thursday with Mr. A na naiiyak siya nang tumawag ang anak na panganay sa Australia dahil nag-split sila ng boyfriend. “Gusto ko ring umiyak habang kausap ko siya (Laila). Nakakaawa,” sabi ni Ogie. Sa August 28 ang concert sa Music Museum.
P-noy nag-sorry kay Ogie
Speaking of Ogie, hindi pala nito napanood ang SONA ni Pangulong Noynoy last week eh special mention pa naman siya. Nagulat nga raw siyang kino-congratulate siya ng ilang kaibigan. ‘Yun pala nabanggit nga siya ng presidente sa speech nito ang contribution niya sa OPM. Kaya naman agad siyang nag-text sa presidente para magpasalamat. “Nag-reply pa siya. Nag-sorry pa nga dahil hindi raw siya nagpaalam na babanggitin niya ang pangalan ko,” pag-aalala ni Ogie nang makatsika namin kahapon.