Piolo ‘di kayang magsayaw
Mag-o-open-up si Piolo Pascual tungkol sa kanyang public at private life sa E! News Asia Special. Ang exclusive na no holds bar tell all interviews ay magaganap sa September 28 sa E! at 9:00 p.m.
Sa presscon ng E! News Asia Special, sinabi ng aktor na inihihiwalay niya ang kanyang personal na buhay sa kanyang trabaho kung saan kapag nasa bahay ito ay isa lang siyang ordinaryong tao.
‘‘Hindi lang ako actor o celebrity kundi gusto ko ring ipamalas ang iba ko pang kaalaman bilang singer o prodyuser ‘yun nga lang may ‘di ako magawa – ang pagsasayaw,’’ aniya.
Inamin din nito na handa na siyang makipagrelasyon sa isang 20 something-year-old lady na malapit sa Panginoon.
Ayaw na nitong pag-usapan ang retirement at hanggang kailangan siya ng industry ay mananatili raw siya sa showbiz.
Kasama ni Piolo ang ibang regional entertainment powerhouses gaya ni Lisa Surihani ng Malaysia, Jay Park ng South Korea, Aaron Aziz ng Singapore at ang kababayang si Anne Curtis.
Guy ipinagmamalaki ang pagiging member ng sindikato
Masayang-masaya si Nora Aunor dahil sa kauna-unahang pagsali nito sa pinakapopular na Cinemalaya Independent Film Festival kung saan ipinagmamalaki ang pelikula niyang Hustisya sa direksyon ni Joel Lamangan at panulat ni Ricky Lee. Minsan pang pinatunayan ni Guy ang super galing niyang pag-arte bilang si Biring, isang Bicolana na nagtatrabaho sa human syndicate trafficking. Wala siyang pakialam sa kasamaang sinasadlakan niya. Na-frame-up ito sa kasalanang hindi niya ginawa.
Mapapanood ang Hustisya sa Greenbelt, Trinoma, Fairview Terraces, Alabang Town Center, at Ayala Cinema mula August 2-August 10.
- Latest