Dapat lang na manalong best actress si Nora Aunor sa Cinemalaya Film Festival dahil kung hindi, mabibigo nang todo-todo ang mga Noranian na naniniguro na ng panalo ng Superstar para sa pelikula niyang Hustisya. Hindi nag-iisip ng pagkatalo ang mga followers ni Nora na mukhang nakalimutan na isang labanan ito na may posibilidad na matalo ang idolo nila. Sana nga hindi sila magkamali sa kanilang inaasahan, sana.
Derek dapat makipag-ayos sa ex-wife
Baka ang management ni Derek Ramsay ang nagsasabi na huwag na nitong patulan ang demanda ng kanyang ex-wife para lang hindi na ito pagpistahan ng media. Pero kung ako naman ang tatanungin, bagaman at I doubt kung merong mangangahas, mas mabuti nang sa halip na dedmahin ay harapin ng aktor ang kanyang asawa at tanungin ito kung bakit siya nag-iingay. Mag-ayos sila, tutal may anak sila. At si Derek ay may magandang career na tumatakbo at magagamit na panlaban sa kanya ng kanyang dating asawa.