Hindi aktibo ngayon si Agot Isidro sa pelikula at telebisyon kaya muli siyang nagbalik sa pag-arte sa teatro. Kasama ang aktres sa Rabbit Hole ng Red Turnip theater na mapapanood sa lahat ng weekend ngayong August.
“Seven years I’ve been away from theater so always naiisip ko ‘yung I’ll go back but then talagang ‘yung schedule hindi pwede. Ayoko rin kasi gumawa ng teleserye or movie and do a play kasi hindi ko mabibigyan ng time and that’s how I work eh. Hindi ko kaya ‘yung mapupuyat tapos magpe-play. Parang hindi 100% ‘yung ibinibigay ko. So now I’m a little slow with my TV work, so I accepted this,” nakangiting pahayag ni Agot.
Medyo nangapa raw ang aktres sa paggawa ng stage play dahil matagal na niya itong hindi naranasan. “Even though I stopped doing theater for a while I’m not very, very new but mag-a-adjust ulit ako. Iba ang theater as opposed to film and TV. Alam ko mag-a-adjust ulit ako sa space, sa blocking. Kasi one take lang ‘yun eh, walang second take ‘yun. It takes a lot of determination and focus. I know I really have to work on a lot of things with this project,” pagbabahagi ni Agot. “Gustong-gusto ko talaga ‘yung proseso ng theater because you’re really in that moment, hinihimay ‘yung script tapos lahat may intention,” dagdag pa niya.
Kaya maraming haters Solenn aminadong pareho silang luka-luka ni Ellen Adarna
Napababalitang magsasama sa isang pelikula sina Ellen Adarna at Solenn Heussaff. Masasabing parehong ‘sex symbol’ ang dalawa at halos parehas ang kanilang mga ginagawa. Ayon kay Solenn ay matagal na niyang kaibigan si Ellen. “I love Ellen! She’s super fun. Bongga ‘yung career niya ngayon. I’m happy for her,” bungad ni Solenn. “Si Ellen ‘yung workout buddy ko since dati pa. Siya nag-introduce sa akin sa plyometrics. Super fun to be around. She’s so kalog. Gusto ko sa kanya, she doesn’t care what people think about her. She’s very, maybe a little too honest sometimes,” natatawang kwento ni Solenn. Maraming ugali raw ang halos pareho kina Solenn at Ellen katulad na lamang ng pagiging ‘luka-luka’. “’Yung luka-luka, pareho. Pero baka ako mag-e-edit, siya hindi. Siya walang edit. Whether she thinks, she says it, so iyon ang gusto ko sa kanya. Parang hindi siya showbiz personality. Kaya marami siyang haters din tulad ko, but we embrace it,” pagtatapos ni Solenn. Reports from JAMES C. CANTOS