Lyca may pasabog
MANILA, Philippines - Nakahanda na ang ASAP stage para sa pagdiriwang ng 50th birthday bash ng nag-iisang Mr. Pure Energy Gary Valenciano kasama sina Bamboo, Raimund Marasigan, Teddy Corpus, Azel, at Barbie Almabis. At magpapa-andar din ng ultimate vocal showdown ng The Voice Kids grand winner Lyca Gairanod kasama ang finalists na sina Darren Espanto, JK Labajo, at Darlene Vibares ngayong Linggo (August 3). Hot item sa kasalukuyan si Lyca dahil nga sa kanyang pagkapanalo. Eh lahat pumabor at nakisimpatya sa kanya dahil nga sa pinagmulan niya bago ang nasabing singing contest.
Makikipag-showdown naman sa Supahdance ang mga hot mama na sina Sunshine Cruz at Priscilla Mereilles kasama sina Kim Chiu, John Prats, Gab Valenciano, Nikki Gil, Rayver Cruz, Shaina Magdayao, at Vina Morales.
Magpapakilig naman ang Once a Princess stars na sina Erich Gonzales, Enchong Dee, at JC De Vera sa isang special production number; pangungunahan naman ang ‘80’s throwback party nina Zaijian Jaranilla, Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Izzy Canillo, Bugoy Carino, Nhickzy, Clarence Delgado, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Ella Cruz, Paul Salas, Francis Magundayao, Jairus Aquino, Marlo Mortel, Khalil Ramos, Sam Concepcion, at Gimme 5.
May makatindig-balahibong collaboration naman sina Bamboo, Morisette Amon at Klarisse De Guzman; dagdag pa ang non-stop concert performance mula kay Martin Nievera kasama ang WCOPA grand winners - Senior Grand Champion Performers Xtreme Dancers at Junior Grand Champion Vocalist Lloyd Montebon. Ang musika naman ng Chicago ang bibigyang-buhay nina Erik Santos, Jed Madela, Yeng Constantino, at Angeline Quinto para sa Champions Face Off. At sa ASAP Sessions tampok si Jude Michael kasama sina Aiza Seguerra, Juris, Richard Poon, at ZsaZsa Padilla.
Actually, na-solo na ng ASAP ang noontime musical kada-Linggo dahil foreign film na Tinagalog ang dialogue ang katapat nila. Alas-2:00 na ng hapon nag-uumpisa ang SAS.
- Latest