MANILA, Philippines - Hindi na bago sa mga balita ang kuwento ng isang mister na binendeho ang kanilang mga misis. Pero sa kuwentong tampok ngayong Sabado sa Magpakailanman, ang pambebendeho ni Mister ang magtutulak kay Misis para siya ring magtaksil…kasama ng asawa ng babaeng kinakalantari ng kanyang mister.
Ito ang kuwento ng buhay mag-asawa nina Noah at Mae Castillo, mag-asawa na may mga pagkukulang sa isa’t isa, mag-asawa na may hinahanap pang ibang magpapaligaya sa kanila. Mga hinahanap na kanilang natagpuan sa dalawang taong mag-asawa na rin.
Paano sila natulak magtaksil? Paano nila itinago ang kani-kanilang mga lihim? At higit sa lahat, paano nila inayos ang kanilang mga pagsasama para magkabalikan ang mga dapat mag-asawa?
Itinatampok sina Rafael Rossell, Jackie Rice, Mike Tan, at ang recently awarded Best Supporting Actress sa FAMAS, Bela Padilla sa kwentong Asawa Mo, Asawa Ko: The Noah and Mae Castillo Story.
Mula sa direksyon ni Argel Joseph, sa panulat ni Senedy Que, at sa pananaliksik ni Angel Launo, huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong Sabado (August 2) pagkatapos ng MARIAN sa GMA7.