^

PSN Showbiz

Dahil consistent na flop ang mga indie, Eugene Domingo gusto nang iwan ang showbiz

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Napaiyak si Eugene Domingo sa presscon ng Barber’s Tale dahil paulit-ulit siyang nananawagan sa mga manonood na suportahan ang magagandang pelikula na kanilang pinaghirapan. Bale kasi, hindi napapansin ang karamihan sa mga pelikulang Pilipino na nanalo na ng awards sa international scene.

Nakakasakit nga naman ng loob dahil umani ng papuri sa ibang bansa ang Barber’s Tale at nagpanalong Best Actress kay Eugene sa Tokyo International Film Festival at humirang kay Jun Lana na Best Director sa Madrid International Film Festival, pero dito sa atin, hindi pa alam kung susuportahan at kikita.

Nalungkot ang press sa nabanggit ni Eugene na balak niyang mag-semi sabbatical sa paggawa ng pelikula at kung hindi lang sa isang natitira pa niyang movie contract sa Star Cine­ma baka hindi na muna natin siya mapanood sa pelikula.

“I don’t know how to sell a movie like this because this comes once in a lifetime. Hindi ko alam kung mabibigyan pa ako ng pagkakataong ganito. Sabi ko kay direk Jun (Lana, director ng movie),”Why am I more terrified in my own country than anywhere in the world? But please give this a chance. Kahit lima lang ang nasa sinehan, pero lalabas na kumpleto, masaya na ako. I can exit complete,” emotional na sabi ni Eugene.

Showing sa August 13 ang Barber’s Tale na isa sa pinakamagandang pelikula ng bansa.

Sumaya lang ang mood ni Eugene nang tuksuhin kay Jose Manalo, hindi raw sila nagkaka-developan, pareho lang silang professional at kering-keri ang harutan sa Celebrity Bluff at isa sa mga rason kung bakit top rating ang game show ng GMA 7.

Iza game na game sa murahan

Nakita namin si Iza Calzado sa presscon ng Yes! 100 Most Beautiful Stars at kung saan, five times na siyang napasama sa listahan. This year, sa Critic’s Choice Category siya napasama.

Nabanggit namin kay Iza  ang kuwento ni direk Joey Reyes sa role niya sa Somebody To Love ng Regal Entertainment na may mga eksenang nagmura siya at nagpalipad ng F—k You na walang inhibition.

Sagot ni Iza, 32 years old na siya at kailangang mag-level up na ang role at ang dialogue. Pero pinuri siya ni direk Joey dahil hindi natakot na baka masira ang image ‘pag nagmura siya.

Showing sa August 20 ang Somebody To Love, mauuna ang showing ng Barber’s Tale sa Aug. 13. Gugulatin pa rin ni Iza ang movie­goers sa lips to lips nila ni Eugene Domingo.

Robert hindi pa rin malimutan ni Liza Lorena

Wala sa hitsura ni Robert Arevalo na 76 years old na siya, matikas pa rin ang aktor at nakayang maglagare sa shooting ng Hari ng Tondo at taping ng Ang Dalawang Mrs. Real. Mabait daw si director Carlitos Siguion-Reyna dahil ‘pag may taping siya kinabukasan, inuuna siyang kunan at nire-release ng maaga sa set.

May eksena sa Hari ng Tondo na hinarana ni Robert si Liza Lorena, pero binuhusan lang sila ng tubig (hindi namin natanong kung ihi) at makikitang maganda ang boses ng veteran aktor nang kantahin ang Bituing Marikit. Ayaw lang mag-spoiler ni Robert kung nagkatuluyan sila ni Liza sa movie na entry ni director Carlitos sa Directors Showcase ng 2014 Cinemalaya.

Sabi naman ni Liza na katabi ni Robert sa presscon, special sa kanya ang aktor dahil tinuruan siya nitong umarte sa Dahil Sa Isang Bulaklak, kung saan, assistant director si Robert. Kaya masaya siya na muling makatrabaho ang aktor at love interest pa sa Hari ng Tondo.

Bwaya ni direk Francis inihalintulad sa isang libing

“Disturbing” ang description ni director Francis Xavier Pasion sa Bwaya, entry niya sa 2014 Cine­malaya. Ikinumpara niya ang pelikula na parang ma­ki­ki­paglibing, malungkot, pero kailangan mong pumunta.

Ipinagmalaki ni direk Francis ang kanyang cast na karamihan ay locals ng Agusan na sina Angeli Bayani, Karl Medina, at R.S. Francisco lang ang totoong artista. Ang bidang si Jolina España na gaganap sa role ni Rowena at naispatan lang nila habang naliligo at tumalon sa ilog. 

Mahusay daw si Jolina at pang-best supporting actress ang performance. Based ang Bwaya sa first and only crocodile attack na na-record sa Agusan Marshlands noong March 2008.

BWAYA

EUGENE DOMINGO

HARI

IZA

KUNG

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with