Kris sa kamatayan ni Cory: Bimb wished Lola had a cellphone
MANILA, Philippines - MANILA, Philippines – Limang taon na ang nakalipas mula nang pumanaw si dating Pangulo Corazon “Cory” Aquino dahil sa colon cancer.
Inalala ni Kris Aquino ngayong Biyernes ang kanyang ina ngayong death anniversary ng dating Pangulo na sumimbolo sa dimokrasya.
Nagpost ng larawan ang “Queen of All Media” sa kanyang Instagram kung saan sinabi niyang “last family picture, Christmas before her death.”
Kita sa larawan na maliit pa ang dalawa niyang anak na si Josh at Bimby kaya naman nasabi niyang “seeing how fat Kuya Josh was & how tiny Bimb was just made me realize how much she'd have enjoyed seeing my 2 boys grow up & evolve.”
Ikinuwento pa niya na sinabi ni Bimby na sana ay may cellphone si Cory sa langit upang matawagan niya.
“Last night Bimb was saying that he wished Lola had a cellphone in heaven so that he & Kuya could call her & tell her they loved her.”
- Latest