^

PSN Showbiz

Pasa-pasa ni Cristine sa legs mas nauna kesa kay Claudine

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nag-sorry si Senator Nancy Binay sa fashion designer na si Randy Ortiz dahil sa kontrobersya na nilikha ng kanyang “hot air balloon“ inspired outfit sa State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.

Dapat na mag-apologize din kay Senator Binay ang fashion designer dahil sa damit na ipinasuot nito na naging sentro ng mga batikos.

SCENE: Maraming artista na kasali sa Most Beautiful List ng YES! Magazine ang hindi nakasipot sa unveiling ng most beautiful issue noong Martes sa Elements at Centris.

SEEN: Ang mga hinala na nanggaling sa concerned relatives and friends ni Geneva Cruz ang balita na may problema sa relasyon nila ng kanyang Fil-Australian boyfriend na si Lee Paulsen.

SCENE: Mabilis nang makaramdam ng pagod si Lyca Gairanod mula nang tanghalin na grand champion ng The Voice Kids dahil sa kanyang mga sunod-sunod na appointment.

SEEN: Ang tumitinding rivalry ng biceps nina Mr. Fu at Erik Santos.

I-push n’yo pa mga Bro!

SCENE: Ang mga pasa sa hita ni Cristine Reyes sa eksena niya sa Trophy Wife. Matagal nang nakunan ang eksena ni Cristine sa pelikula bago inilantad ni Claudine Barretto sa publiko ang mga sugat at peklat nito sa hita.

SEEN: Masahol pa sa isang bisexual ang kaartehan na ipinakita ni Fifth Pagotan sa Ligtas Challenge Tuesday night episode ng Pinoy Big Brother (PBB) All In.

Nakakabuwisit ang malakas na pagtili at masahol pa sa babae na arte ni Fifth kaya dapat na siyang palabasin sa bahay ni Kuya sa darating na Linggo

SCENE: Not feeling well si Alden Richards sa YES! Most Beautiful Event kaya umalis agad siya pagkatapos ng programa.

Napansin ang cold treatment sa isa’t isa ni Alden at ng dating ka-loveteam na si Louise delos Reyes.

ALDEN RICHARDS

ALL IN

CLAUDINE BARRETTO

CRISTINE REYES

ERIK SANTOS

FIFTH PAGOTAN

GENEVA CRUZ

LEE PAULSEN

LIGTAS CHALLENGE TUESDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with