JC expert na expert na lover kung magsalita

MANILA, Philippines - Kaya naman pala hindi nakapagtataka kung maraming kinikilig, nabibighani, o humahanga sa kakisigan ni JC de Vera ay dahil sa likod ng kanyang appeal, eh isa palang gentleman ang binatang ito Salve A! Lalo na kapag ang usapan ay papunta sa pag-ibig!

Maaalala natin sa guesting niya sa Aquino and Abunda Tonight, binanggit ng binata na wala nga siyang love life ngayon pero meron pa rin siyang sex life. Aba, eh talaga nga namang malakas ang da­ting ng statement niyang iyon, sinabayan pa niya ng isang magandang ngiti!

Pero kung tatanungin mo si JC kung paano niya tratratuhing prinsesa ang isang babae kung makahanap man o makilala niya ang isang babaeng tunay na magpapatibok ng puso niya, maayos na sagot ng binata na “aalagaan ko siya. I will make her feel like she’s the best. Nandiyan siguro iyung sisil­bihan ko siya dahil iiwasan kong mag-away o magkatampuhan kami.” Sa sinabi niyang iyon nag­pa­lak­pa­kan ang mga tao sa loob ng ABS-CBN Dol­phy Theater nung presscon ng Once a Princess ng Skylight Films. At kapag nakilala’t nakita na ni JC ang taong tunay niyang mamahalin, “I will do my best para mag-work ang relationship namin.”

Sa pagkabit ni JC sa kanyang gagampanang character na si Damian sa Once a Princess, “nalaman ko sa pelikulang ito na puwede palang maging des­tructive ang love if you make one big mistake. Ang pag-ibig, seryosong bagay sa buhay eh. Hindi nating puwedeng laruin,” malalim na dagdag ng guwapong binata. “Naranasan ko na rin in real life kung paano maging destructive ang love lalo na kung may ginawa kang mali. Darating at darating ang consequences.”
Mapapansin mong kung magsalita si JC tungkol sa pag-ibig, ang ganda ng pinagkakabitan niya.

In fact Salve A., ang dating niya, parang isang lalaking tunay na mangi­ngibig. Kasi naman nahahanapan niya ng point of origin ang aspeto pagdating ng pag-ibig sa buhay sa mga character na kamakailan lang niyang ginampanan partikular na sa The Legal Wife na kinagat nang husto ang ginampanan niyang role. Tapos sa afternoon serye namang Moon of Desire, inihalintulad ni JC si Jeff sa isang “taong hindi titigil hangga’t mapasakanya ang babaeng napupusuan niya. Pursigido siyang i-pursue si Meg (Imperial) kasi nakikita niyang ito iyung babaeng para sa kanya kahit medyo mabagal si Jeff. He still believes na he will win the girl he truly loves.”

Kaya naman sa bago niyang pelikulang Once a Princess, sincere na sinabi ni JC na sa relationship drama na ito under the great director Laurice Guillen, he was honest to say “na kailangang maipakita kong sa likod ng pagiging playful sa relationships ni Damian, napakalambot pala ng puso niya, may insecurity pala siya at gusto niya pala talagang mahalin siya. Si Damian kasi happy-go-lucky. Sanay siyang hinahabol ng girls. Tapos nang makilala niya si Erin (Erich Gonzales) ‘di niya akalain na may struggle palang darating sa buhay niya, dahil ito ang babaeng ‘di niya akalain na mararamdaman niya kung ano talaga ang umibig nang tunay.”

Sa pagiging particular ni Direk Laurice tungkol sa expressions and even simple nuances ng kanyang actors once they are in character and on screen, nai­­pa­lalabas ng napakagaling na director mula sa kanyang mga actor ang kailangang timpla ng kilos, ga­law at pagbitaw ng mga dialogues. Kahit ultimo galaw lamang ng kanilang mata, para mabasa ng ma­nonood kung ano ang nasa isip ng mga characters niya. Malinaw ang mga sitwasyon at mga sir­kums­tansiya sa pag-evolve ng mga characters ng pe­likula’t kuwento niya.

 

Show comments