Alam mo ba, Salve A., na may ilang beses na rin akong nalalagay sa alanganin dahil sa mga kaibigan?
Madalas kumain sa isang kilalang Japanese restaurant sa Bonifacio Global City ang isang celebrity couple nung hindi pa sila hiwalay. Pareho naming naging kaibigan ang ex-couple na ito. Minsan, nagawi ang ex-wife sa nasabing restaurant kasama ang kanyang mga kaibigan.
Mabuti na lamang at hindi sila nagpang-abot doon ng kanyang ex-husband na kasama ang bagong karelasyon ngayon at kami naman ay dedma lang as if wala kaming alam. Of course, kahit papaano ay nalungkot kami para sa ex-wife dahil kaibigan din namin ito.
Sa isang pagkakataon din, isa pang female celebrity ang kumain sa nasabing restaurant na kasama naman ang husband na kaibigan niya pati ang wife nito. Little did we know na may ugnayan na pala ang dalawa na nabuking ng wife na masamang-masama ang loob sa kanyang itinuring na kaibigan na female celebrity.
Alden sinusuwerte sa Kapuso
Napakasuwerte naman ni Alden Richards dahil mukhang siya ang tinututukan ng GMA to be the network’s next important male star.
Matapos siyang ipareha sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa Carmela, ang Asia’s Songbird naman na si Regine Velasquez ang next niyang makakasama bilang co-host ng bagong sisimulang reality talent search ng GMA na ang Bet ng Bayan na magsisimula na ang audition nationwide.
Regine at Ogie tutok sa anak na si Nate
Asia’s Songbird Regine Velasquez admits na pareho silang hands-on parents ng kanyang husband na si Ogie Alcasid sa kanilang anak na si Nate. Whenever they’re both free, they make it a point na may oras sila parati sa bagets dahil gusto nila parehong masubaybayan ang paglaki nito.
Mina-manage talaga ng mag-asawa ang kanilang quality time with their son na mukhang at age two-and- a-half ay napakabibo at mukhang magsu-showbiz din ito balang araw.
Nasa magkaibang TV network ngayon ang mag-asawa, si Ogie sa TV5 at si Regine naman ay nanatiling Kapuso. Regine has Sarap Diva at meron siyang upcoming show, ang reality talent search na Bet ng Bayan at paminsan-minsan ay napapanood siya Sunday All Stars, ang Sunday musical show ng GMA.
Si Ogie naman ay may Tropa Mo Ko Unli at host ng game show na Let’s Ask Pilipinas.
Eric may bagong ididirek na serye
Eric Quizon is back with ABS-CBN matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa TV5. Sinabi sa amin ni Eric na meron siyang dinidirek na bagong teleserye sa Dos na tinatampukan nina Angelica Panganiban, Cristine Reyes, at JC de Vera.
Kapatid network mukhang tuloy na sa pagiging sports channel
Isang reliable source ang nagbalita sa amin na hinihintay lamang daw ng TV5 na mag-expire ang kontrata ng kanilang mga guaranteed contract stars pero hindi na umano ito ire-renew ng TV network .
A couple of years ago, nag-offer na rin ang TV network ng early retirement sa ilan nilang mga regular employees at marami umano ang nag-avail sa offer na ito.