^

PSN Showbiz

Daniel pinatawad ang ginawang panlalait ni Lea Salonga

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanghingi ng tawad si Lea Salonga matapos niyang idawit ang pangalan ni Daniel Padilla sa comment niya sa live show ng The Voice Kids last Saturday night sa Team Bamboo (Juan Karlos Labajo) na kumanta ng Runaway Baby ni Bruno Mars. Nag-comment kasi si Lea ng “I’m actually looking at you as a 13-year-old and seeing what you’re going to be like five years from now. ‘Yung mga DJ na yan, ‘yung mga… wala, sorry. Their names are going to be erased once you get to that age. Because you are incredibly… kasi ang charm mo talagang nagamit dito sa number na ito. ‘Yung looks mo, ‘yung charm mo, talagang gamit na gamit na gamit. Your coach picked the right song for you,” sabi ni Lea. Kilala sa tawag na DJ si Daniel.

Eh siyempre hindi ‘yun nakalampas sa fans ni Daniel. Hinamak nga naman ang kanilang idolo na nakakapuno ng Araneta Coliseum at certified box office ang pelikulang She’s Dating the Gangster na palabas pa hanggang ngayon sa mga sinehan.

Kaya naman maagang nag-apologize si Lea : “Ohhh dear... I offer my deepest apologies to Daniel P and his fans. In building up JK I neglected to think that I might hurt other people.

“I meant no disrespect, but I humbly ask for forgiveness if that’s how it came across. Sana mapatawad po ninyo ako sa aking pagkakamali,” sabi ni Lea sa kanyang Twitter account.

At nang tanungin naman si Daniel kahapon sa The Buzz kung anong reaction niya sa dialogue ni Ms. Lea : “Mataas po talaga ang respeto kay Miss Lea. Baka po nadala lang siya,” sagot ng sikat na aktor na parang walang anumang sama ng loob sa mga sinabi ng judge ng The Voice Kids.

Kantang salbabida ni Jungee Marcelo grand prize ng Philpop

Tagumpay ang ginanap na Philpop 2004 the other night sa Meralco Theater. Naging mainit ang naging bakbakan ng 12 finalists ng country’s premier songwriting competition at mabibigat ang naging interpreter. Pero sa katapusan ay tinanghal na grand prize at tumanggap ng1 million pesos si Jungee Marcelo who wrote the song Salbabida interpreted by Kyla. Si Philpop MusicFest Foundation Inc., Chairman Manuel V. Pangilinan and Executive Director Ryan Cayab­yab ang nag-award sa mga nanalo kasama ang 2nd runner up na si Daryll Ong for his song Torpe interpreted by Kris Lawrence, and 1st runner up Toto Sorioso for his song Awit Mo’y Nandito Pa interpreted by YouTube sensations Aldrich Talonding and James Bucong.

Hosted by Ogie Alcasid, Christian Bautista, Iya Villania, Jasmine Curtis-Smith, and Tim Yap,  na­ging hurado this year sina Noel Cabangon, Megan Young, Sam Concepcion, Wilma Galvante, Julie Anne San Jose, Aiza Seguerra, and Abra. Napanood din ang Philpop sa TV5.

Aljur natakot madagdagan ang problema

Natakot siguro si Aljur Abrenica kaya kahit natatakot siya, sumipot sa Sunday All Star ng GMA kahapon para sa promo ng ini-endorso niyang kape. Umpisa pa lang ng promo nila kaya siguro, nilakasan na lang niya ang loob.

Kasi naman, hindi nag-isip nang maigi. Ayan tuloy. Siyempre may kontrata ‘yan sa endorsement na pag hindi niya tinupad, tiyak madadagdagan ang problema niya. Eh ito nga ginawa niya sa GMA walang pumabor, lahat nagnega.                                                                                      

AIZA SEGUERRA

ALDRICH TALONDING

ALJUR ABRENICA

ARANETA COLISEUM

JUNGEE MARCELO

PHILPOP

VOICE KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with