^

PSN Showbiz

Erich maligayang nagka-GF na si Enchong

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Two years hindi nagkasama sina Erich Gonzales  at Enchong Dee sa isang project kaya sobrang excited sila sa pagtatambal nilang muli sa Once A Princess na dinirek ni Laurice Guillen para sa Star Cinema. Bale ba marami silang puwedeng pagkuwentuhan habang ginagawa nila ang movie dahil pareho na silang may sabit ngayon unlike sa huli ilang pagsasama na libre pa silang dalawa.

Mas naunang magkarelasyon si Erich sa kanyang non showbiz businessman BF. Kailan lamang inamin ni Enchong ang relasyon nila ng isa ring non showbiz girl na kita ni Erich ay nag-i-inspire na rito nang husto, “Masa­ya na siya before, pero ngayon he seems more inspired and happy. Happy ako para sa kanya,” anang napa­ka­gandang kapareha ni Enchong who seems genuinely happy sa pag­kakaro’n ng kanyang ka-love team ng nobya.

Aljur sumabay sa problema ng bansa!

Umagaw sa mga malalaking balita sa dyaryo at telebisyon  tungkol sa estado at mga kaganapan sa bansa ang tangkang pag-alis ni Aljur Abrenica sa Kapuso Network o GMA.

Umabot pa sa pagsasampa ng kaso sa korte ang reklamo niya sa network na ang pangangalaga sa kanya ay hindi na raw umaayon sa kagustuhan niya. Dahil marahil sa may kontrata pa siya sa gusto niyang iwang istasyon kung kaya umabot pa siya sa korte para lang mapagbigyan ang kahilingan niyang mai-release siya. Ayon sa aktor na bagaman at magandang napatakbo ng network ang kanyang karera, may mga pagkakaiba silang pananaw sa gusto nila parehong mangyari sa kanyang career.

Thea nami-miss na ni Jeric

Hindi papayag si Jeric Gonzales na mapag-iwanan siya ng kanyang ka-love team at ka-partner sa ilang mga palabas ng GMA na si Thea Tolentino kung kaya in bewteen assignments ginugol niya ang panahon niya sa pagpapaunlad ng kanyang sarili. Mahihiya ang maraming mas may edad sa kanya  sa iginanda ng kanyang pangangatawan. Bukod sa pagdyi-gym nakuha niya ang kanyang beautiful body sa pamamagitan ng paglangoy. Mahihiya nga si Dyesebel sa husay niya ngayong guma­law sa ilalim ng tubig. Nakapagtayo din siya ng isang three member boy group kasama ang ilang mga kaibigan sa GMA. Tumatayo siyang gitarista ng grupo.

Kahit bihirang magkasama, panay ang pagti-text nila ni Thea na sinabihan niyang napakasalbahe ng role sa The Half Sisters na inamin nitong nahihi­rapan siyang pangatawanan  pero ga­gawin niya ang lahat dahil isa ‘yung challenge.

Ako rin, wish ko na mabigyan din ng ganun kagandang challenge. Wish ko rin na magkasama kaming muli ni Thea sa isang project. Miss ko na siya,” anang baguhang aktor.

Sunshine atat nang ma-annul

Matagal nang sinabi ni Sunshine Cruz na wala nang balikan na mangyayari sa kanila ni Cesar Mon­tano. Katunayan ay gusto niyang ma-annul ang marriage niya at umasa siyang makakatagpo pa ng bagong pag-ibig sa ibang lalaki.

May tatlong anak na babae si Sunshine na siyang dahilan ng kanyang nagpupunya­ging maka­pag­­trabaho pa. Mas na­big­yan siya ng pag-asa nga­­yong bukod sa pag-aartista ay meron pa siyang mga product endorsements na tinatanggap. Akala niya nung una ay hin­di na niya mababawi pa ang de­­­mand sa kanya bilang artista dahil nga matagal       siyang nawala at nagkaead na. “Hindi pala. May room para sa mga gustong mag­hanapbuhay. Kaila­ngan ko lang ay gumawa ng ilang adjustments dahil nga hindi na ako bata,” masayang sabi ng aktres na sunud-sunod ang proyektong tinatanggap nga­yon ay may pera ng higit pa sa P100,000 na dala-dala niya nang maghiwalay sila ng kanyang asawa.

Kakaibang love story nasa MMK

Ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong gabi ang walang kapantay na pagmamahalan nina Hazzy at Liezel Go na nasaksihan ng buong mundo sa pamamagitan ng video ng kanilang kakaibang kasalan noong Hunyo na halos naka-12 million views na sa YouTube sa loob lamang ng isang buwan.

Tuklasin sa MMK ang kwento sa likod ng tinaguriang heartbreaking wedding viral video nina Hazzy, isang pasyenteng may advanced stage 4 liver cancer at ng kanyang girlfriend sa loob ng apat na taon na si Liezel. Alamin ang tunay na dahilan kung bakit kinailangang maganap agad ang kanilang pag-iisang dibdib sa ospital.

Gaganap bilang Hazzy at Liezel sina Carlo Aquino at Kaye Abad.

HAZZY

KANYANG

NIYA

SHY

SIYA

THEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with