Julia nauna pala kay Daniel kaysa kay Kathryn

“Bal” ang term of endearment ng teen sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hango sa salitang “kambal.” Ayon sa Teen King na si Daniel, para na umano silang magka-kambal ni Katryn dahil sa madalas nilang pagsasama both on-cam at off-cam.

Walang alinlangan na ang love team nina Daniel at Katryn ang pinakamainit na young love team sa kasalukuyan na muling pinatunayan sa kanilang latest team-up sa pelikula, ang She’s Dating the Gangster na umabot na sa mahigit P100-M ang kinita sa kabila ng rumagasang bagyong Glenda na sinundan ng bagyong Henry.

Hindi aware ang marami na ang kapanabayan at  bestfriend ni Katryn na si Julia Montes ang unang nakapareha ni Daniel sa youth-oriented program na Gimik in 2010.

Anak ni Niño pinag-aagawan na agad

History repeats itself at malamang na ito’y muling mangyari sa child-superstar-in-the making na si Alonzo Muhlach, ang four-year-old son ng dating Child Wonder na si Niño Muhlach.

Unti-unti na ring napapansin at gumagawa ng pangalan ang bunsong anak ni Onin (Niño) na si Alonzo magmula nang ito’y mapanood sa Bet on Your Baby at PBB All in.

Si Alonzo ay may guest appearance sa movie ni Dingdong Dan­tes na The Aswang Chronicles at sa The Trial movie nina Gret­chen Barretto, Richard Gomez, John Lloyd Cruz, at Maricar Reyes na pinamamahalaan ni Chito Roño.  Magiging biggest break naman ni Alonzo ang kanyang pagkakasali sa MMFF movie nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon, ang trilogy movie na My Big Bossing’s Adventures under OctoArts Films, M-Zet Productions, at APT Entertainment.  Ang episode na sasalihan ni Alonzo ay pagsasamahan nila nina Bossing (Vic) at Ryzza Mae na ididirek ng box-office director na si Joyce Bernal.  May mga interesado na ring kunin ang serbisyo ni Alonzo for print and TV commercials.

Since nag-aaral na si Alonzo, puwede lamang siyang mag-shoot after school (from Monday thru Friday) and whole day on Saturday and Sunday.

Jose Mari Chan stage father sa dalawang anak na bumuo ng banda

Present ang parents ng magkapatid na Jose Antonio “Joe” at Michael Philip “Mike” Chan, mga anak ng mag-asawang Jose Mari and Mary-Ann Chan ganoon din ang ina ni Miguel “Ige” Gallardo na si Celeste Legaspi sa album launch ng pinakabagong rock-band na Generation under Star Records na ginanap sa Hard Rock Café last Wednesday night.  Sayang nga lamang at wala roon ang isa pang music icon na si Sampaguita para suportahan naman ang kanyang anak na si Kowboy Santos na isa sa apat na miyembro ng rock band.

Biniro pa namin ang mag-asawang Jose Mari at Mary-Ann Chan na sila ngayon ang pinakabagong “stage parents” sa kanilang mga anak.

 “No, we’re here as proud parents,” natatawang pahayag ni Jose Mari na kitang-kita ang pagiging proud sa kanilang dalawang anak ni Mary-Ann na sina Joe at Mike.

Taong 2008 nang itatag ng magkapatid na Mike at Joe ang Generation Band na may touch ng Beatles at Rolling Stones. Si Mike ang keyboardist ng grupo, Joe plays the bass, si Kowboy and lead guitarist at si Ige naman ang drummer/guitar player at creative director ng grupo. 

Ang maganda sa apat na miyembro ng Gene­ration Band, silang apat ang writer-musicians ng ka­­nilang mga awitin na nakapaloob sa kanilang 12-track self-titled debut album with Love is Killing Me bilang carrier single.  Ang iba pang cuts ng album ay ang Make It Right, Idol, Shine Your Line on Me, Keena, Star, Walking a Fine Line, Can’t Be Wrong, Purple, He’s Gone, She, at Just Let Go.

Ang Generation album ay mabibili na sa lahat ng mga record stores nationwide at maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com, www.mymusicstore.com.ph at www.starmusic.ph.

Show comments