Latest gadgets ipakikita sa Happy…

MANILA, Philippines - For the live episode of Basta Every Day Happy ngayong Huwebes (Hulyo 24), malalaman ninyo ang latest happenings sa lahat ng aspeto ng buhay.

Ano nga ba ang nagyayari sa paligid natin ngayon? Ano na ang mga latest gad­gets at hottest chismis sa bawat kanto?

Palitan ng opinyon, haka-haka, at komento sa mga pinakamaiinit na balita, pati ang viewers pwedeng makisali sa usapang ito ngayong Huwebes live sa Basta Every Day Happy, 11:00 AM sa GMA 7.

Sa Biyernes (Hulyo 25) na, bibida naman ang asin sa masayang episode ng Basta Every Day Happy. Sa araw-araw na pagluluto, hindi mawawala ang asin para magbigay ng lasa sa ating pagkain. Pero maliban dito, meron pang ibang gamit ang asin.

Ituturo ni Gladys Reyes ang ilang practical at hindi mo aakalaing gamit ng asin katulad ng do-it-yourself mouthwash, quick fix para sa sa mapait na kape (brewed coffee) para hindi agad masira ang gatas, at gamot para sa sore throat at pangangati.

 Samantala, nakakatulong din ang asin sa pag-alis ng ating dead skin at sa blood circulation kaya nakapagpapakinis ito ng ating balat.  Kaya naman ituturo ni Alessandra De Rossi ang paggawa ng napakamurang salt scrub gamit ang napakamurang table salt in six easy steps na pwedeng gamitin para magkaroon  ng kakaibang radiance at smoothness ang ating skin.

Si Chef Boy Logro naman ay magluluto ng kanyang pinakabagong recipe – ang Baked Tilapia in Salted Crust. 

Wicked ending ng Wansapanataym

Wicked But Happy Ending ang handog nina Miles Ocampo, Inah Estrada, at Alyanna Angeles sa TV viewers ngayong Linggo (Hulyo 27) sa huling episode ng  Wansapanataym Presents Witch-A-Makulit. Sa kabila ng kanilang kasiyahan sa mundo ng mga mangkukulam, magsisimula nang mangulila sina Krystal (Miles), Jade (Inah), at Emerald (Alyanna) sa kanilang ama na si Pinong (Benjie Paras) na naiwan nila sa mundo ng mga tao. Ano ang gagawin ng magkakapatid upang mu­ling makita ang kanilang tatay lalo na ngayong ipinagbabawal ito ng kanilang lola? Sa huli, mapagkakasundo ba nila Krystal, Jade, at Emerald ang mga tao at lahing mangkukulam?

Sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na  Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

Show comments