^

PSN Showbiz

Lastikman ibabalik na rin, Martin Del Rosario naglaho na ang career!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen : Inconsolable si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa sudden death ng kanyang trusted secretary and confidante na si Aida Fandialan. Nahihirapan si Governor Vi na tanggapin ang pagpanaw ni Aida.

Scene : Ngayong umaga, 9:00 am, ang 1st State of the City Address ni Manila City Mayor Joseph Estrada sa Rizal Memorial Stadium.

Ibibida ni Erap ang mga achievement niya bilang alkalde ng Maynila.

Seen : Ang age gap at cultural differences ang ugat ng break up noon nina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga.

Apat na taon ang tanda ni Heart kay Daniel pero ito ang naging kaibigan niya sa lahat ng kanyang mga ex-boyfriend.

Scene : Naiinip na ang fans ni Martin del Rosario sa next project ng aktor sa GMA 7.

Huling napanood si Martin sa Rhodora X na natapos noong May 2014.

Seen : Hindi na nagkaroon ng follow up solo movie si Joey Paras matapos ipalabas sa mga sinehan ang kanyang launching movie na Bekikang.

Hindi naging another Vice Ganda si Joey.

SCENE: Ang kanyang ama na si Mayor Joseph Estrada at ang misis na si Precy Ejercito ang kasama kahapon ni Senator Jinggoy Estrada sa maulan na hearing ng kaso niya sa Sandiganbayan.

Hindi pabor si Jinggoy sa inihahain na impeachment case laban kay P-Noy dahil mas lalong magkakawatak-watak lamang daw ang bansa.

SEEN: Proud mother si Kristine Hermosa dahil kahapon ang first day sa school ni Ondrea Bliss, ang 2 1/2 year-old daughter nila ni Oyo Sotto.

SCENE: Ang usap-usapan na plano ng ABS-CBN na ibalik sa telebisyon ang Lastikman, ang Pinoy superhero na ginampanan ni Vhong Navarro. Hawak ng ABS-CBN ang rights na isalin sa telebisyon ang mga nobela ni Mars Ravelo, ang creator ng Lastikman, Darna, at Dyesebel.

AIDA FANDIALAN

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

DANIEL MATSUNAGA

GOVERNOR VI

HEART EVANGELISTA

JINGGOY ESTRADA

JOEY PARAS

JOSEPH ESTRADA

KRISTINE HERMOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with