May mga naloka sa picture ni Claudine Barretto na inilabas ng lawyer ni Raymart Santiago na si Atty. Ruth Castelo.
Naloka ang fans dahil sa mga gasa na nakatapal sa mukha ni Claudine na resulta raw ng isang procedure para lumiit ang shape ng kanyang mukha.
Hinihintay ng lahat ang reaksyon ni Claudine dahil battered wife ang statement niya sa media pero may mga litrato na proof daw na hindi totoo na biktima siya ng pambubugbog.
Knowing Claudine, may ready answer siya sa bagong pasabog ng legal counsel ni Raymart. Dati nang may lamat ang relasyon nina Claudine at Atty. Castelo.
Fresh pa sa isip ng mga tao ang message na “Backoff” na ipinarating ni Claudine sa abogado ng kanyang asawa. Hindi imposible na madagdagan ang irita ni Claudine kapag nalaman niya na si Atty. Castelo ang source ng mga picture niya.
Walang masama, kung sakaling totoo na sumailalim si Claudine sa isang procedure para mawala ang unwanted fats sa kanyang face.
Normal na ginagawa ‘yon ng mga artista at ng mga ordinaryong tao na gustong mag-improve ang kanilang hitsura.
Naging isyu lang ang paglabas ng mga litrato ni Claudine na may mga gasa sa mukha dahil sa claim nila ng kanyang lawyer na si Atty. Ferdie Topacio na battered wife siya.
‘Gumalaw’ kay Claudine malabong umamin
Mabibigo ang mga reporter na hanapin at makausap ang doktor na responsible sa mga pasa sa mukha ni Claudine.
Bawal sa mga sinumpaan na tungkulin ng doktor ang mag-reveal ng sikreto ng kanilang mga pasyente, maliban na lang kung kusang loob ang pagsasalita ng mga involved na celebrity.
May mga artista na open sa pagkukuwento sa publiko ng mga parte ng katawan na ipinaretoke nila kay ganito o ganoong doktor dahil bahagi ito ng kanilang ex-deal.
Hindi itinatago ni Jennylyn Mercado na lumiit ang mga braso niya dahil sa Laser Lipo Arms procedure sa kanya ng Belo Medical Clinic.
Maingay na maingay at pinag-usapan ang pagtatapat ni AiAi delas Alas na feeling virgin uli siya dahil sa FemiLift o Pussykip procedure na available sa clinic ni Dra. Vicki Belo.
Sa kaso ni Claudine, may legal battle sila ni Raymart sa korte, kaya medyo sensitive ang bagong problema at kontrobersya na kinasasangkutan nila.
Poster ng unang indie movie ni AiAi punumpuno ng emosyon
Tapos na tapos ang shooting ng Ronda, ang first indie movie ni AiAi delas Alas na official entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
Excited na si AiAi na mapanood ang kabuuan ng kanyang indie movie na balak isali sa mga international film festival. Si AiAi ang bida at co-producer ng pelikula.
Isang policewoman ang role ni AiAi sa Ronda pero hindi totoo na Carmen ang name ng kanyang karakter. Sorry na lang sa mga hindi naka-getlak sa joke ko.
Leading men niya sa Ronda sina Cesar Montano at Carlos Morales. Si Nick Olanka ang direktor ng Ronda na may subtitle na (Patrol).
Takaw-pansin ang poster ng Ronda dahil ang mukha lamang ni AiAi na punumpuno ng emosyon ang ginamit.
Mapapanood sa selected theaters ang Ronda simula sa August 1 at sa August 3, 3:30 p.m. ang gala premiere sa CCP Main Theater. Sa mga gustong dumalo sa gala premiere ng Ronda, mabibili ang tickets sa CCP box-office at Ticketworld.