May ilang artista (babae at lalaki) na kailangang magbawas ng timbang, dahil nakakailang silang panoorin lalupa’t nakita ng publiko kung gaano ka-trim ang kanilang pangangatawan noon.
Kapansin-pansin ang pananaba nina Claudine Barretto, Manilyn Reynes, Aiko Melendez, Jomari Yllana, Victor Neri, Melissa Ricks, Jennifer Sevilla, at iba pa. Sa mga nabanggit na pangalan, si Melissa ang pinakabata. Nakapanghihinayang lang dahil nakahilera siya bilang isa sa mga important leading-ladies ng ABS-CBN pero napupunta na lamang siya sa mga support roles lately dahil sa kanyang pagpapabaya sa kanyang katawan.
Speaking of Melissa, gaano kaya katotoo ang balita na nasa interesting stage umano ito courtesy of her non-showbiz boyfriend na siya umanong dahilan ng kanyang pananaba?
Melissa should come forward to confirm or deny said allegation tungkol sa kanya.
Fourth lumabas na!
Naging maramdamin ang paglabas sa Bahay ni Kuya ng PBB All in ni Fourth Pagotan last Sunday night being the 11th evictee ng PBB house. Nalungkot nang husto ang mga kasamahang housemates lalung-lalo na ang kanyang twin brother na si Fifth sa hindi inaasahang paglabas niya sa bahay. Paglabas niya ay sinalubong siya ng kanyang inang si Mrs. Gloria Pagotan.
Mane ayaw magpahalik kay Janno
Isa ang love team nina Manilyn Reynes at Janno Gibbs na matagumpay nung late 80’s to early 90’s na nagsimula sa That’s Entertainment kung saan sila parehong miyembro. Ang Regal Films naman ang gumawa ng mga pelikula na tinampukan nila bilang magka-love team.
Matagal din ang ipinaghintay ng dalawa bago sila muling nagkatrabaho at ito’y nangyari sa ongoing TV series ngayon ng GMA, ang My BFF na tinatampukan din ng dalawang child stars na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey.
Dahil napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan through the years, kumportable sa isa’t sia sina Mane at Janno pero big no-no pa rin kay Mane ang kissing scene laluna ngayong may asawa’t mga anak na siya.