Nung blind auditions ay napakagagaling ng mga batang sumasali sa The Voice Kids, pero ngayong aapat na lamang ang natitira sa mga napili nila Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bamboo ay parang hindi na ganun kagagaling ang mga bata. At hindi pa man ay nakikita na agad kung sino ang mga posibleng manalo lalo’t may malaking papel na gagampanan ang mga magpapadala ng text.
I’m sure malilimit ang laban sa dalawang bulilit na babae nina Lea at Sarah. At may bentahe ang bet ni Sarah dahil may sympathy votes na agad ito dahil lang isa itong mangangalakal bago siya sumali sa The Voice Kids. Kung manalo siya, malaki ang iuunlad ng buhay niya. Mabuti na lamang at may boses din ito. Manalo man siya ay walang tututol bagaman at pagdating sa performance ay hindi sila nagkakalayo ng bet ni Lea. Hintayin na lamang natin ang finals, dahil baka umarangkada naman ang dalawang mas nakatatandang kalaban nila na ang isa ay mula pa rin sa kampo ni Sarah.
Hayden hindi pa rin makapag-sorry kay Katrina
Paniniwalaan ko nang 100 porsiyento ang pagbabagong sinasabi ni Dr. Hayden Kho kapag nagawa niyang magpakumbaba at humingi ng sorry kay Katrina Halili sa ginawa niyang pagsama rito sa isang malaking iskandalo. Kung hindi marahil sa katatagan nito ay nalugmok nang tuluyan sa kawalang pag-asa ang aktres. Kung nagawa niyang mag-sorry sa isang nakasama niya sa isa ring sex video, bakit hindi kay Katrina na suwerte na lang na hindi tuluyang bumigay sa nangyari rito.
Thea effective na kontrabida
Hindi nakapagtataka kung pagkatapos ng The Half Sisters ay malinya sa kontrabida roles si Thea Tolentino. Parang bagay talaga sa kanya ang role niya bilang salbaheng kakambal ni Barbie Forteza na wala nang magawa ang inang si Jean Garcia.
Gustung-gusto nang malaman ng manonood ang paliwanag ng may istorya kung paanong ang isang kambal ay magkaro’n ng dalawang ama o kung iisa man ay sino kina Ryan Eigenmann at Jomari Yllana ang tunay na ama nito.
Fifth kawawang-kawawa na sa loob ng Bahay
I thought napaka-cruel ng PBB (Pinoy Big Brother) sa housemates nila, para pag-usapan sa labas ng Bahay niya ang ginawang pag-amin at pagtatapat ni Fifth Pagotan. Parang napaka-unfair naman since wala itong pagkakataon na makapagsalita para sa kanyang sarili. At bakit pinayagan niyang mawala sa loob ng Bahay niya ang kakambal nitong si Fourth na kailangang-kailangan ni Fifth sa panahong ito na depressed siya? Kitang-kita ‘yung kawalan ng pag-asa at lungkot sa mukha ni Fourth habang nagpapaalam sa kanyang mga kasamahan.