MANILA, Philippines - Ay, hindi lang naman pala si Julia Barretto ang nagpabago ng apelyido sa korte. Nauna pa raw mapalitan ang apelyido ng isa pang anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto na si Claudia.
At hindi raw ito namalayan ni Dennis. Nalaman na lang daw ito ng komedyante na tapos na ang proseso.
Iniyakan din daw ito ni Dennis.
Nag-file ng gag order ang kampo ni Julia kaya hindi nagsasalita si Dennis sa mga nangyayari matapos siyang mag-file ng Motion to Intervene!
Madonna puwede kayang mag-concert sa Philippine Arena ng INC?
Sa mga photos ko pa lang nakikita, pero kamangha-mangha ang laki at ganda ng Philippine Arena & Philippine Sports Stadium sa Ciudad de Victoria (City of Victory), Bocaue, Bulacan na pag-aari ng Iglesia ni Cristo (INC) na nagkaroon ng inauguration bilang bahagi ng kanilang Centennial Celebration.
Ang bali-balita, ginastusan ito ng $200 Milion o sa peso ay halos P8 Billion. Ang seating capacity ay 55,000. Earthquake proof daw ito kaya kahit lumindol hindi nakakatakot.
Imported din daw ang mga halaman na ginamit dahil wala sa Pilipinas ang ganun karaming pare-pareho ang sukat.
Sa pabubukas ng Philippine Arena, matuloy na kaya ang pinaka-aabangang concert ni Madonna? Mas malaki itong ‘di hamak sa SM MOA Arena at Araneta Coliseum at ang ganda ng location.
Nakapag-concert na ang maraming international singers sa bansa at marami ang atat na mapanood si Madonna kahit na nga magbayad sila ng mahal.
Hihintayin din ng marami kung sino ang local singer na makakapagpuno ng venue.
Si Sarah Geronimo lang ang nag-concert ng dalawang magkasunod na parehong napuno ang Araneta at SM MOA Arena.
Hmmm, sino nga kaya ang magbibinyag ng concert sa tinagurian ngayong World’s Largest Arena na tinalbugan ang Staples Center, 20,000 (Los Angeles), Madison Square Garden, 25,000 (New York) and 02 Arena, 20,000 (London).
Pero baka hindi puwede si Madonna sa nasabing venue dahil may mga issue siya sa religion.
Eh sabi ni Bro. Edwin Zabala sa mga interview, spokesperson for the Iglesia ni Cristo’s centennial celebration: “Basta ang rule namin ay dapat ‘di nakaka-offend sa katotohanan at mga pangaral ng Diyos sa Bibliya ang anumang activity na dapat gawin doon.”
Maganda rin itong venue ng laban ni Manny Pacquiao kung saka-sakali.
Anyway, buti pa ang INC hawak ang record ng pinakamalaking Arena sa mundo.
Pakikiramay kay tita Aida…
Malaking kawalan kay Gov. Vilma Santos ang biglaang pagkawala ng kanyang accountant and confidante na si Tita Aida Fandialan.
Siya ang koneksiyon sa showbiz press ni Gov. Vi dahil siya ang nagpapasalamat sa tuwing may lumalabas na artikulo tungkol kay Gov. Vi. Eh pareho silang nagbabasa ng dyaryo kaya umaga pa lang nagti-text na si Tita Aida para magpasalamat o may sasabihin si Gov. Vi.
Parang a week ago lang ay nagpapasalamat siya sa suporta kay Ate Vi nang mapahamak ito nang magpadala ng personal note kay Kris Aquino na may minor grammatical error and typo error.
Active din siya sa Facebook kaya panay ang share niya ng mga napo-post na photos and stories.
Ayon sa balita, massive stroke ang ikinamatay ni Tita Aida na minsan ding naging accountant ni Aga Muhlach. Pero mas naging active siya kay Ate Vi.
Nasa Loyola, Sucat ang mga labi ni Tita Aida F.
Ang amin pong pakikiramay sa lahat ng mga naiwan niya.