^

PSN Showbiz

Sakit ng ulo, regalo ni Claudine sa birthday nila ni Raymart

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkasabay kahapon ang birthday ng estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Tanong tuloy ng isang kaibigan, “Advance birthday gift ba ni Claudine ‘yung pasabog na pictorial niya na may sugat at pasa sa isang hita?”

Tama si Manay Lolit na namamayagpag ang mag-tita na Claudine at Julia na nasa sentro ng kontrobersiya pareho. A case of birds of the same feather flock together ba ‘yon, Salve A?

Nasa London nga lang si Julia ngayon at nagbabakasyon. Malayo rin ‘yon kaya walang reaksyon na makukuha sa kanya unless patulan ito ng ABS-CBN dahil meron naman silang The Filipino Channel.

Pero mas pinili ng network na huwag patulan ang isyu. Artista nga naman nila si Julia, eh baka may masabing hindi maganda ito at maapektuhan ang pagbi-build up sa kanya. Eh, mukha mang maamo ang mukha ng young actress, Barretto pa rin ‘yan na any moment ay puwedeng magtaray, huh!

Direk Joven ayaw sa bading?!

Hindi naman pala totoo ‘yung tsismis na kinukuha ni Direk Joven Tan ang isang aktor na pinagsususpetsahan na bading para sa Himig Handog na entry niyang Pare Mahal Mo Raw Ako. Wala mang sinasabing diretso ang writer-director-composer na sa kabadingan ang tema ng bago niyang entry, halata raw sa title ‘yon ng kanya ayon sa mga showbiz beki, huh!

Ang interpreter na kinuha ni Direk ay si Michael Pangilinan, na isa sa naging produkto ng reality singing contest ng ABS-CBN. Ahh, sure kami sa pagkalalaki ni Michael, huh! Ha! Ha! Ha!

Ayon sa text sa amin ni Direk Joven, sa September 28 pa magaganap ang finals ng songwriting contest. Last year, ang entry niyang Anong Nangyari sa Ating Dalawa? na interpreted ni Aiza Seguerra ang nagwagi ng P1M!

Bukod sa ginawang kanta, nakatapos ng libro si Direk Joven, ang Wala Namang Forever. Dahil pumatok ito, balak niyang gawan ng part 2 ang nasabing aklat.

Anak ni Niño puwede ring sidekick ni Darna!

Nakakawala ng stress sa mata ang Star Magic member na anak ni Niño Muhlach na si Alonzo. Napunta na ang bata pati ang ama niya sa poder ni Dondon Monteverde bilang manager. Si Dondon din ang manager nina James Yap, Mark Anthony Fernandez, at iba pa.

Naku, baka isama si Alonzo sa bagong bersyon ng Darna ni Angel Locsin bilang si Ding, huh! Remember, ilang beses din na lumabas na Ding si Niño sa mga Darna movies ni Vilma Santos! A case of history repeating itself ‘pag natuloy.

Unang lumantad si Alonzo sa Pinoy Big Brother All In kasama ang iba pang bagets. Pero siya talaga ang umangat sa lahat na guwapo na ay bibung-bibo pa.

Isa nga ang bagets sa iniisip na maging kapareha ni Ryzza Mae Dizon sa festival entry nila ni Vic Sotto na My Big Bossing’s Adventures. Aba, ‘pag natuloy, meron nang makakatapat si Bimby Yap na sa movie naman ni Vice Ganda kasama, huh!

Female celeb, ‘user friendly’!

Iilan lang talaga ang kaibigan sa showbiz ng isang female celeb. Lovable lang naman kasi siya pagdating sa screen pero kapag waley na sa harap ng kamera ay feelingera, huh!

Kaya naman limitado ang mundo ng female ce­leb. Pati nga artistang kasama sa pelikula o sa telebisyon ay piling-pili, huh!

Maging close man sila sa female celeb, after nilang makatrabaho ito, tapos na rin ang kuneksyon nila sa isa’t isa, huh!

AIZA SEGUERRA

ALONZO

ANGEL LOCSIN

ANONG NANGYARI

DARNA

DIREK JOVEN

HUH

JULIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with