Mahilig lumapit sa apoy ang isang pamosong lalaking personalidad kaya palagi siyang napapaso. Kung nagiging maingat lang sana siya ay wala namang manununog sa kanya pero siya mismo ang lumalapit sa disgrasya.
Maraming personalidad na meron ding itinatagong lihim, pero nagagawa nilang tagung-tago ‘yun, kaya hanggang sa pagdududa lang ang paghusgang tinanggap nila at hindi lantaran.
Walang karapatang magalit-mainis ang pamosong male personality kapag nahahagip ang kuwestiyonable niyang kasarian dahil hindi niya kilala ang unang batas sa pagmamalinis at pagpapanggap—pag-iingat.
Una, siya mismo ang nagpupunta sa lugar na pinagtatrabahuhan ng lalaking nauugnay sa kanya, alam niya namang may pinagpipistahan nang kuwento tungkol sa kanyang kalamyaan pero parang naghahamon pa siya.
Napagkikita siya sa lugar kung saan matatagpuan ang lalaking ikinakambal ang pangalan sa kanya. Hindi siya nag-iingat, lantaran ang kanyang pagpapakita, meron naman siyang sariling bubong kung saan sila puwedeng magtago ng lalaki pero parang gusto pa niyang ipagsigawan ‘yun sa buong mundo.
Nakikipaglandian siya sa lalaki sa telepono. Kung sana’y walang tenga ang lupa at walang pakpak ang balita. Pero halatang-halata ang mga senyales na magkausap sila ng lalaki dahil sa kanyang pagkakilig at pagtawang kanyang-kanya lang at walang makapaplakado.
At bilang panghuli ay makikipag-close siya sa babae. Liligawan niya ito at susuubin sa atensiyon, pero kapag hulog na hulog na ang girl, bigla siyang bibitiw.
Paano’y hindi naman kasi ‘di siya talaga masaya. Hindi niya kayang lokohin ang kanyang kunsensiya. Hotdog naman kasi talaga ang paborito niya at hindi monay.
Kaya walang karapatang mainis ang hindi nag-iingat. Walang kalayaang magalit ang hindi marunong magdala ng kalansay sa loob ng closet.
Siya dapat ang kuning bida sa Paminta 101 segment ng Tropa Mo ‘Ko Unli ng TV5, hindi na niya kailangan pang umarte, dahil isa siyang pamintang buo na kadalasa’y nagiging pamintang durog na sa pananaw ng mas nakararami dahil sa kawalan niya ng pag-iingat.
Macho Papa ang paborito niyang kanta.
Career ni Julia nanganganib sa pagpapalit ng apelyido
Diretso na dapat ang pagmamaneho sa karera ni Julia Barretto pero bumalaho pa. Hindi kataka-taka kung isang araw ay bigla na lang siyang maungusan ng iba niyang mga kasabayan.
Napakagandang bata, walang mali sa kanyang mukha, positibo ang resulta ng kumbinasyon ng binhi nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Pero sa imahe mapag-iiwanan si Julia, maraming kababayan natin ang tinabangan sa batang aktres nang lumutang ang kanyang aksiyon ng pagpapatanggal sa apelyido ng kanyang ama sa pangalan niya.
Barretto ang mas pinili niya, ayaw na niya sa apelyidong Baldivia ng kanyang ama, may mga ibinigay na dahilan at katwiran ang kanilang abogado pero mas nauna nang nagdesisyon ang husgado ng bayan sa hakbang na ginawa nilang mag-ina.
Hindi naman sana dapat, pero ang paghusga ngayon ng ating mga kababayan kay Julia ay maganda nga, pero wala naman siyang utang na loob. Napakadiin ng mensahe ng publiko na kung wala si Dennis ay wala rin siya, hindi naman siya nabuo nang dahil lang sa kanyang ina, kaya bumitiw ng pagsimpatya sa kanya ang ating mga kababayan.
Sa isang bansang tulad ng Pilipinas na makamagulang ay hindi inaanod ng baha at winawasak ng unos ang kultura ng utang na loob. Ang magulang ay magulang at ang anak ay anak lang.
Dahil may legal naman silang basehan ay puwede nilang hilingin sa korte ang pambabalewala sa apelyido ni Dennis Padilla sa takdang panahon. Kahit mga aksiyong tama ay nagiging mali kapag wala sa tiyempo at diskarte.