Piolo ayaw nang patulan ang isyu ng kabaklaan

Nasasaktan daw si Piolo Pascual sa mga mapanirang salitang ibinabato tungkol sa kanya sa ilang social networking sites. Partikular na rito ay ang bagay na kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki. “For me masakit, kasi sana kilala mo ako bago mo ako sabihan ng ganyan,” bungad ni Piolo. “Ang importante sa akin, kilala ko sarili ko, kilala ako ng Diyos ko, kilala ako ng pamilya ko, kilala ako ng anak ko,” giit ng aktor. Para kay Piolo ay walang mahalagang rason para patulan pa niya ang mga masasakit na salita tungkol sa kanya sa social media tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram.

“Papatulan mo pero makikita mo rin na wala palang silbi ang paghahamon mo sa kanya. Waste of time,” giit ni Piolo. Maging ang anak ng aktor na si Iñigo ay naaapektuhan na raw sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa ama.

Kilala niya ako eh. Naniniwala siya sa akin. Napipikon siya sa mga tao. Gusto niyang gumanti, lu­maban, pero sabi ko it’s not worth it,” kwento ni Piolo. Ngayon ay walang kasintahan ang aktor dahil hindi pa nito mapagtuunan ng pansin ang buhay pag-ibig sa dami ng kanyang mga ginagawa.

 “Hindi naman ako pihikan. Kasi pwede naman. Kung gusto mo mayroon eh, ang dami naman diyan. Kasi ano ibibigay ko kung tulog ako,” nakangi­ting pahayag ni Piolo. Mas gusto raw ng aktor na mas bata ang kanyang mapapa­ngasawa at nangangarap na magkaroon pa ng apat na anak.

Sir Chief excited nang mag-concert

Muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN si Richard Yap o mas kilala bilang si Sir Chief dahil sa teleseryeng Be Careful With My Heart. Pangalawang taon na ngayon ng nasabing palabas kaya masayang-masaya ang aktor.

I’m very thankful to ABS-CBN for having faith in me, having trust in me. We’re all busy with preparing for the concert right now. So we’re doing rehear­sals, we’re doing recordings and all that. We’re trying to get ready for the big night,” pahayag ni Richard. Gaganapin ang special concert ng nasabing programa sa Araneta Coliseum sa July 25.

 Anu-ano kaya ang mga kakantahin ni Sir Chief sa nalalapit nilang concert?

 “Surprise na lang ‘yan. There will be a few old ones, but there will be a lot of newer songs,” sagot ng aktor.

Ayon kay Richard ay mas marami pa raw dapat abangan ang lahat ng mga tagahanga ng kanilang programa dahil paganda nang paganda pa ang kwento nito ngayon.                               Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments