Marvin sasabak sa trabahong hindi niya masyadong alam

Baguhan sa host­ing job si Marvin Agustin kaya malaking challenge sa kanya lalupa’t kailangan niyang punuan ang tatak na iniwan ni Ryan Agoncillo sa Ta­lentadong Pinoy.

Marvin is not only a good actor but a successful busi­nessman as well.  And this time, kailangan  niyang i-prove na may ibubuga rin siya sa hosting job and this excites him no end.

Pero he has yet to find his ideal girl na puwede niyang ihatid sa altar. Kung ang dati niyang ka-love team na si Jolina Magdangal ay may asa­wa’t anak na, si Marvin naman ay may twins na sina Santiago at Sebastian. Mula ito sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend na nagmula sa pamilya ng mga pulitiko sa norte, si Tetet Dy na minsan ding na-link kay Niño Muhlach at sa pinsan nito na nakababatang kapatid ni Aga Muhlach na si Albert Muhlach.

Piolo binura na ang online accounts para makalma ang buhay

Sa halip na mapikon at patulan ang kanyang bashers online, Piolo Pascual deleted his Twitter account at mini-maintain na lamang niya ang kanyang Instagram account kaya mas tahimik ang kanyang buhay.

Nakakatulong din kay Piolo ang kanyang pagiging God-centered person para maging kalmado sa gitna ng mga intriga sa kanya.

Speaking of Piolo, simula ngayong Lunes, July 21 ay muli na naman siyang mapapanood sa isang bagong teleserye, ang Hawak-Kamay kung saan niya kabituin si Iza Calzado na nakatrabaho niya sa mega hit movie na Starting Over Again with Toni Gonzaga.

Huling napanood si Piolo sa seryeng Apoy sa Dagat noong isang taon kung saan niya nakasama sina Angelica Panganiban at Diether Ocampo.

Dennis wala na ba sa ‘uso’?!

Bakit kaya hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang kampo ni Dennis Trillo sa pagkakaroon ng bagong project sa bakuran ng GMA matapos  siyang mapanood sa hit TV series na My Husband’s Lover na nagtapos sa ere nung October last year?

Kung ang dalawa niyang co-stars sa MHL na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez ay may tumatakbo nang serye ngayon, ang My Destiny, Dennis has yet to start his own TV series although may lumutang na balita na may gagawin umano itong bagong TV project sa GMA kung saan niya makaka­tambal si Kris Bernal

It’s been nine months since magpaalam sa ere ang My Husband’s Lover.

Show comments