PIK: Miss na miss na ni Arnell Ignacio ang mag-TV, kaya tuwang-tuwa ito nang kinuha siyang guest sa Sarap Diva na mapapanood bukas ng umaga.
Riot ang guesting na iyun ni Arnell kasama si Joy Viado na kung saan ipinatikim ni Joy kay Regine Velasquez ang lutong Ilonggo na Laswa, at ang kay Arnell naman ang special Sinigang niyang bagoong ang pampaalat.
PAK: Naloka si Eugene Domingo nang tinanong siya ng nanay niya kung totoong nadi-develop na ba ito kay Jose Manalo.
Nag-hit kasi ang ginawa nilang JoGe na love team at nagsimula lang ito sa kantiyawan at biruan.
Ang akala namin gimmick lang ito at para sa promo ng Celebrity Bluff, kapansin-pansin na pala ang closeness ng dalawa.
Kapag nasa taping sila ng Celebrity Bluff, lagi pa lang ninanakawan ni Jose ng halik si Uge.
Nabanggit pa ng actress/TV host na parang nai-in love na raw siya kay Jose.
Sabi naman ni Jose, huwag daw ang ganung intriga at on-going pa raw ang annulment case niya.
BOOM: Ngayong araw ay didinggin ang kasong Serious Illegal Detention na isinampa ni Vhong Navarro laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at sa iba pang mga akusado, sa Taguig Regional Trial Court.
Kailangang dumalo ni Vhong dahil ito raw ang continuation ng dininig na mga ebidensyang pinresent nila sa korte.
Muling makakaharap ni Vhong ang mga kinasuhan niya, kaya pinaghahandaan na nito ang kung ano na naman ang gagawin ng lola ni Deniece kay Vhong.
Susuportahan naman ang aktor ng mga kaibigan niya at pamilya, at aware naman dito ang kampo ni Vhong.
Pagkatapos niyan ay mahaharap na naman sila sa mediation ng kasong Grave Coercion na naka-schedule sa August 4.
Hindi raw puwedeng dedmahin ‘yan ni Vhong dahil pangalawang tawag na raw ‘yan ng kanilang mediator.