^

PSN Showbiz

Magpakailanman ni Louise na na-MTRCB, hindi napalabas last week

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matagal nang inaabangan ng mga fans ni Louise delos Reyes ang muling paglabas ng dalaga sa Magpakailanman—ngunit muntik pa itong maudlot nang makarating sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang tema ng kuwento na ginampanan ng young star. 

Mula sa Kambal Sirena, isang kakaiba at kinatatakutang pag-ibig naman ang pinamalas ni Louise sa kanyang papel bilang dalagang na-in love at nabuntis ng sariling ama. 

Ngayong Sabado, makakatambal ni Louise sa unang pagkakataon ang prem­yadong aktor na si Ricky Davao, para sa kuwento ng pagmamahalan na dudurog sa puso ng mga manonood.

Bibida si Louise bilang Kim, isang dalagang kinulang sa pagmamahal. Nag­rebelde at napasama sa masasamang barkada, walang kinilalang authority figure si Kim, hanggang sa makilala niya si Mang Orly (Ricky Davao). 

Kasama rin sina Mel Kimura, Reese Tayag, at Bryan Benedict, with the special participation of Phytos Ramirez.

Mula sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., sa panulat ni Michiko Yamamoto at sa pananaliksik ni Loi Argel Nova, alamin kung bakit nag-desisyon ang MTRCB na ipatuloy ang pagpapalabas sa pinaka-kontrobersyal na episode ng Magpakailanman – Ama Ko, Mahal Ko ngayong Sabado, July 19, pagkatapos ng Marian sa GMA7.

Noong last Saturday sana ito eere.

AMA KO

BRYAN BENEDICT

GIL TEJADA

KAMBAL SIRENA

LOI ARGEL NOVA

MAGPAKAILANMAN

MAHAL KO

MEL KIMURA

RICKY DAVAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with