MANILA, Philippines - May isang cardiologist ang nagsabing habang tumitibok ang puso’y may pag-asang gumaling ang pasyente. Sabi naman ng isang ophthalmologist, habang may liwanag kang naaaninag ay maaaring maremedyuhan ang ‘yong pagkabulag.
Tila ganito ang karanasan ng tatlong panauhin ni Mader Ricky Reyes sa kanyang pang-Sabadong programa sa GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) handog ng ScriptoVision at napapanood mula alas-nuwebe hanggang alas diyes ng umaga.
Nangarap at nagsikap ang isang dati’y tauhan ng isang fast food sa isang mall. Ngayo’y proprietor na siya ng isang kainan sa A Square Mall sa Anonas Road, Quezon City na tinawag niyang Juan Stop Inasal.
Marami siyang suking estudyante at empleyado sa mga kalapit na paaralan at establisamento. Tiyaga, pagsisikap at kasipagan. Ito raw ang formulang ginamit ng ngayo’y matagumpay na negosyante.
Tampok din si Paulo na nagtapat kay Mader na ang hilig at pangongolekta niya ng iba-ibang gadgets ang naging inspirasyon niya para magbukas ng tindahang Gadget Angel. Kung may kailangan kang kasangkapan, tiyak na mayroon nito sa tindahan ni Paulo.
Dati’y domestic helper ang ikatlong iinterbyuhin ni Mader. Nagtipid siya at sininop ang kinita. Nagsimula siya ng isang maliit na negosyo. Ngayo’y chief executive officer na siya ng sariling kumpanya.
Samantala’y tuloy ang make over magic sa mahigit 40 Ricky Reyes Salon sa buong Pilipinas. Lunas sa mga nakakalbo o numinipis ang buhok ang mga pelukang gawa sa human hair. Sabi nga, kung gusto mong gumanda o masilayan ang “bagong ikaw” hayaan n’yong lunasan ito ni Mader.