^

PSN Showbiz

Richard pumayag maunahan nina Dennis at Derek

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Humahabol sa ganda ng poster ng Hustisya ni Nora Aunor ang poster ng The Janitor. Malakas din ang impact ng poster ng movie nina Dennis Trillo at Derek Ramsay kahit siguro hindi sila handa sa pictorial, hindi sila nakaayos at walang make-up, ipinakita kung ano ang karakter nila sa pelikula na entry sa 2014 Cinemalaya.

Napanood na rin namin ang teaser ng The Janitor sa Instagram (IG) ni director Mike Tuviera at gugustuhin mong mapanood nang buo ang pelikula. Kaya lang, sa August 2 pa ang start ng showing nito at Aug. 4 yata ang Gala screening sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines.

Isa rin ang The Janitor na star-studded ang cast dahil bukod kina Dennis at Derek, kasama rin sina Richard Gomez, Raymond Bagatsing, Alex Medina, Ricky Davao, at LJ Reyes. Very proud sa kanyang cast si Direk Mike.

Kundi kami nagkakamali, first time gaganap na bad guy sa movie si Derek at si Dennis naman bilang the janitor ay gaganap na assassin. Sa nakita naming billing ng cast  sa poster, pumayag si Richard na mas maliit ang percentage ng name niya kina Dennis at Derek.

Mga batang yagit, apektado ng bagyong Glenda

Dapat kahapon ang first taping day ng Yagit, pero dahil sa bagyong Glenda, na pack-up din ang taping gaya sa ibang teleserye ng GMA 7. Kung disappointed ang cast, mas na-disappoint tiyak ang apat na bagets na introducing sa remake ng soap na sumikat noong dekada 80’s.

Ipinakikilala sa Yagit sina Chlaui Malayao bilang si Elisa, Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla bilang pinsan ni Elisa at JM Andres bilang si Ding. Pamilyar sa tao si Chlaui dahil siya ‘yung sa TVC ng isang brand ng noodles na may lines na “I love my hair...I love our curtains...I love our electric fan...”

  Masaya si Direk Gina Alajar sa kanilang napili after the nationwide audition. Sabi nito: “Masaya ako at contented dahil noong nag-uumpisa pa lang ang auditions, sinabi ko na ‘yung criteria ko, ‘yung hinahanap ko. And I think nakita na namin ngayon. Walang itulak-kabigin sa kanila, lahat sila gusto mong yakapin.”  

Fans hindi na makapaghintay kay JM

Marami ang natuwa sa fans ni JM de Guzman nang makita ang picture nito sa Instagram (IG) ni director Wenn Deramas at sa sinabi ng director na abangan ang mga gagawin nila. Gusto ng fans na malaman agad kung ano ang magiging comeback project ni JM sa ABS-CBN.

Matagal nawala sa eksena si JM mula nang magpa-rehab and in fairness, noong wala siya, marami ang nanghinayang sa kanya. Noong panahong wala si JM, ang husay niya bilang artista ang naalala sa kanya at hinintay ang pagbabalik niya.

Kaya masaya ang kanyang fans na muling mapanood ang husay ni JM sa pag-arte. Masuwerte si JM dahil patuloy siyang minahal, sinuportahan at hindi iniwan ng kanyang pamilya noong may problema siya.

Aktor kinakawawa ng management

Nagtatampo ang aktor na ito sa nagpapalakad sa kanyang career dahil may mga nagalit sa kanya nang hindi niya alam. Nalaman nitong may imbitasyon sa kanya na hindi nakarating sa kanya at ang ending, nagalit ang mga nag-imbita.

Gusto tuloy nitong umalis sa management ng mga taong nagpapalakad sa kanyang career, pero hindi siya aalis sa kanyang home network at wala ring balak lumipat ng ibang network. Gumagawa na ng paraan ang management ng aktor para maalis ang tampo nito sa kanila at sana magtagumpay sila.

On the other hand, hindi kami magugulat kung umalis man ang aktor sa kanyang management, minsan na rin nitong pinapalitan ang road manager niya thinking na kulang ang trabahong ginagawa nito sa kanya.

Bela ‘di makapaniwalang tinalo pa ang mga bigating artista

Napanood namin sa TV  ang interview kay Bela Padilla after the 62nd FAMAS Awards at kung saan, nanalo siyang best supporting actress para sa pelikulang 10,000 Hours. Itinaas pa ni Bela ang trophy at sinabing hindi niya ini-expect na mananalo dahil magagaling ang nakalaban niya.

Ang iniisip ni Bela that time ay babalik pa siya sa taping at 13 sequences pa ang tatapusin niya na may kasama pang rain effect. Alam din niyang na­nalo na si Angel Aquino sa ibang award gi­ving body, at hindi inisip na may chance pa siyang manalo. Gusto na lang niyang makapag-present na special award. Tumalon daw ang puso niya nang tawagin ang kanyang pangalan.

Bukod kay Angel, nakalaban din ni Bela sina Coney Reyes, Cherie Gil, Aiza Seguerra, at Gloria Sevilla.

Samantala, mapapanood si Bela sa Sa Puso Ni Dok, ang first medical series sa Philippine TV  na August na ang airing sa GMA 7. Kapareha niya rito si Dennis Trillo.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALEX MEDINA

DENNIS TRILLO

DEREK

KANYANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with