^

PSN Showbiz

Kumpirmado, dating aktres nabukong pagbubugaw ng mga magagandang aktres sa pulitiko ang pinagkakakitaan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaloka ang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang datihang aktres na matagal nang napapabalitang nagma-match ng mga kilalang artista sa mayayamang pulitiko at negosyante.

Matagal nang palaisipan para sa mga taga-showbiz kung totoo ang kuwentong ito, pero wala namang nakapagpapatunay, hanggang sa magkuwento na nga ang isang taga-showbiz din na palagi niyang kinakalampag tungkol sa isang aktres.

Kuwento ng source, “Kinukulit siya ni ____(pangalan ng datihang aktres) na hanapin at kausapin si ____(pangalan ng isang kontrobersiyal na aktres) dahil meron daw nagpapahanap sa kanya.

“Binanggit niya ang amount na involved, kapag nagkita na raw ang actress at ang rich businessman, bibigyan niya ng commission ang taong pinaghanap niya sa babae. Gusto lang daw makilala ng guy ang girl.

“Naloka siyempre ang kinakausap niyang tao, sino naman ang maniniwala na basta gusto lang makilala nu’ng rich businessman ‘yung actress, e, ang laki ng amount involved?

“Natural, may sangkot na monkey business du’n, ‘di ba? Pero ipinipilit ng dating aktres na ganu’n lang daw talaga ang usapan, ipakikilala lang niya ang girl sa richie-richie businessman,” kuwento ng aming impormante.

Ang nakakabaliw ay ang pagkaloka ng kinausap ng dating aktres. Lukang-luka ito, totoo raw pala ang pagiging Boogie Wonderland (bugaw) ng dating aktres, hindi raw pala basta kuwentu-kuwento lang ‘yun.                                     

                                                                               

Sultada uli ng aming source, “Siya mismo ang nakapagpatunay na totoo palang nagbubugaling ang dating artistang ‘yun. Kaya pala nasusunod pa rin niya ang mga granatsa niya, samantalang wala naman siyang ginagawang pelikula at teleserye!

“’Yun daw pala ang dahilan kung bakit marami siyang kaibigang politicians. Kaya raw pala may pagka-social climber ang dating artistang ‘yun. Connect the dots. Mga parukyano pala niya ang mga lalaking ‘yun!” nanglalaki ang mga matang kuwento pa ng aming impormante.

Ubos!

Mata ni Toni inaalipusta

Si Toni Gonzaga naman, walang kakibu-kibo na pinagtitripan ngayon ng mga bashers. Wala namang ginagawang palso ang actress-singer-TV host, pero binubulabog siya ngayon ng mga kababayan na­ting walang produktibong magawa sa buhay, kaya buhay na lang ng mga taong nananahimik ang kanilang tinitirador.                                 

Nakakaawa si Toni sa mga ginagawang pintas sa kanya ng mga taong hindi niya naman kilala nang personal, ibig sabihi’y walang alam ang mga taong ‘yun sa tunay niyang pagkatao, kaya ano ang pasaporteng hawak ng mga ito para siya lait-laitin?

Ang kinakalampag ng mga bashers ng dalaga ay ang pinakabagong TVC (TV commercial) ng isang produktong nakapagpapalambot ng kutis, pang-alis din ng make-up ang nasabing produkto, tatlo silang tagapag-endorso nu’n sa merkado.

Nag-iisang komento ng mga bashers ni Toni ay paano raw siya napiling mag-endorse ng naturang cream, samantalang kitang-kita sa TVC ang kanyang pagkaduling, nagsasalubong daw ang mga mata ni Toni ayon pa sa mga namimintas sa kanya.

Napakadali talagang manugat ng mga taong patalikod at malayuan lang naman ang alam na laban, porke hindi sila kilala nang personal ng personalidad ay napakadali para sa kanila ang manakit, ‘yun ang negatibong resulta ng social media na dapat sana’y positibong ginagamit lang para sa mas madaling pakikipagkomunikasyon.

Nakakaawa naman ang mga artistang nauupakan nang walang kalaban-laban. Kaya nga kung minsan, kahit ang pinakatahimik ng artista ay sumasagot na rin, dahil sa sobrang sakit na kanilang nararamdaman mula sa mga taong ni hindi nga nila maispeling kung saang planeta nagsipanggaling.

BOOGIE WONDERLAND

KAYA

LANG

NAKAKAAWA

NIYA

SI TONI GONZAGA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with