KC hindi kayang tiisin si Paulo
Kung marami man ang naniwalang nagbakasyon sa pag-ibig ang magdyowang Paulo Avelino at KC Concepcion, balikan na raw ang dalawa ngayon. Hindi na nila itinago sa mga mata ng publiko ang kanilang pamamasyal sa Session Road ng Baguio kamakailan.
Marami nga ang nagulat na malaman na nasa bansa pala ang anak ni Megastar at binalikan ang dalawa niyang passion sa buhay, ang kanyang karera at ang nobyo niya. Kapag nasa abroad lang, bakasyon ang puso ng aktres para kay Paulo. Sa ‘Pinas kasi ay ito ang kanyang constant guide and partner.
Jomari hindi na makapagbida dahil sa katabaan
Hindi ba nanghihinayang si Jomari Ylanna sa naging takbo ng kanyang career? Puwede pa kasi siyang lead pero nalalagay na siya sa mga father roles dahil lang sa katabaan niya. Tulad sa seryeng The Half Sisters, hindi reyalidad kapag pinabalik siya ni Jean Garcia sa buhay nito gayung lamang na lamang sa kanya sa physical looks si Ryan Eigenmann. Buti na lang kontrabida ang role nito at buti na lang bulag ang character ni Jean, hindi ito mapipintasan kapag pinili niya si Jomari in favor of Ryan.
Heart gustong makihati sa yaman ni Sen. Chiz?!
Sobra bang ‘yaman ng isa man kina Heart Evangelista at Sen Chiz Escudero para mangailangan ng pre-nup sa pagitan nila? Kung ang senador ang nakakalamang sa kabuhayan, hindi naman siguro milyones ang makukuha ng aktres sa kanya sakaling maghiwalay sila dahil may mga anak ang nobyo niya na may mas karapatan sa kanyang yaman.
Hindi rin naman siguro purita mirasol si Heart para pag-interesan pa ang kayamanang nauna nang naipundar ng nobyo niya.
- Latest