Tangkang pagpapakamatay ni Deniece hindi bumenta kay Vhong

PIK: Pagkatapos ng showing ng Island Dreams ni Louise delos Reyes sa July 23, balak ng Kapuso actress na magbakasyon muna para mag-isa at lalo raw niyang kilalanin ang kanyang sarili.

Sabi niya, ang kung ano ang nararamdaman niya pagdating sa pag-ibig ay itatago raw muna niya dahil mas gusto niyang mag-focus sa kanyang sarili.

Wala pa raw silang closure ni Enzo Pineda, pagkatapos nilang mag-break kaya gusto niyang magkaroon ng pagkakataong mag-usap sila.

PAK: Manonood kaya si Tates Gana ng concert ni AiAi delas at Rico Puno na Macho Guwapita sa July 26 na gaganapin sa Solaire Resorts and Casino?

Best friend na kasi ang turing ni AiAi sa dating partner ni Mayor Herbert Bautista pero hindi pa talaga sila nagkita o nagkatsikahan nang husto.

Sabi naman ni Tates, isa sa mga araw na ito ay iimbitahin daw niyang magkape sila ni AiAi para magkatsikahan, pero gusto niya sana ‘yung tahimik lang at hindi na kailangang pag-usapan.

Malamang na imbitahin ni AiAi si Tates na manood ng concert nila ni Rico Puno.

BOOM: Kumalat ang balita nung kamakalawa lang na naglaslas daw ng pulso si Deniece Cornejo sa detention cell niya bilang protesta sa pagkabasura ng rape case na isinampa laban kay Vhong Navarro.

Kaya lang hindi pa rin nakuha ni Deniece ang simpatiya ng karamihan, at ayaw pa ring maniwala sa kanya.

Ayaw na ring magkomento ng kampo ni Vhong, at kahit ang abogado nitong si Atty. Alma Mallonga ay ayaw na ring magsalita tungkol diyan.

Sabi lang niya may karapatan si Deniece na magprotesta sa mga nangyari, pero may karapatan din daw sila kung ano ang gusto nilang paniwalaan at susunod na lang daw sila sa proseso.

Sa July 18 ay muli silang maghaharap sa korte na kung saan ipagpatuloy ang pagdinig ng kasong Serious illegal Detention.

Sa August 4 naman ay magkakaron uli ng Mediation pero hindi pa rin masasabi ni Atty. Ma­llonga kung kaya bang harapin sila ni Vhong para makipag-mediate.                                                                       

 

Show comments