MANILA, Philippines - Ayaw munang sabihin ni Matteo Guidicelli kung ano ang birthday gift niya sa girlfriend na si Sarah Geronimo. Sa July 25 ang 26th birthday ng Pop Superstar. Basta raw special ang ibibigay niya. Pero hindi pala sila makakapag-solo sa birthday ng singer-actress dahil may naka-schedule itong trabaho.
First time na magbi-birthday si Sarah na may boyfriend.
Pero nauna na niya itong binigyan ng pang-work out. Nai-impluwensyahan na si Sarah ng pagiging athletic ng boyfriend kaya marami na raw itong tanong kay Matteo.
Kuwento pa ni Matteo sa storycon para sa episode na Flight 666 ng Shake Rattle and Roll na isa sa official entries sa 2014 Metro Manila Film Festival, hindi niya nararamdaman ang pagiging sikat ni Sarah. Very humble raw ito at nagugulat na lang siya ‘pag napapanood niya ito.
Anyway, “mahal” na ang tawag ng fans kay Matteo. “Mahal” dahil ito ang term of endearment nila ng singer-actress. Ito ang nagbuko sa kanila nang maligaw ang text message niya sana for Sarah na napunta kay Direk Wenn Deramas.
Si Lovi Poe ang leading lady ni Matteo sa Flight 666.
Nauna nang sinabi ni Sarah na excited na siya sa kanyang birthday.
Kaya naman ang fans eager din sa ireregalo ni Matteo kay Sarah.
Radio host nangangapa sa anxiety attack
Grabe rin ang ibang radio host/commentator, biglang hindi alam ang anxiety attack, ang sinasabing pinagdaraanan ngayon ng akusado sa pork barrel scam na si Atty. Gigi Reyes.
Tanong ng isang radio host sa kausap nilang guest kung namamana (hereditary) raw ba ang anxiety/panic attack.
Eh ‘di ba ang anxiety and panic attack ay nanggagaling sa stress, trauma, o may problema sa datung o natatakot ka ayon sa ilang babasahin? Kaya siguro hindi ‘yun namamana.
At hindi rin alam ni radio host kung anong sakit ito, ang dami pa niyang tanong na parang common sense na ang mga sagot.
Bakit kaya hindi nag-research si radio host para naman ready sila sa mga sasabihin sa ere kesa ‘yung parang nangangapa sila ng co-host niya o walang kamalayan sa kanilang pinag-uusapang isyu?
Anyway, isa pang ‘classic’ na tanong ng isang anchor ay sa tatay nang napatay sa hazing. Nag-guest sa isang programa ang tatay ni Guillo Servando. At ang tanong ng anchor : “ngayon ‘hong nailibing na si Guillo, ano ho ang plano ninyo? Magbabakasyon ho ba kayo,” something to that effect na question ni Ms. Anchor.
Siyempre hindi ‘yun ang sagot ni Mr. Servando. Ang uunahin daw nila ay ang paghingi ng katarungan sa sinapit ng kanyang anak na HRM student sa College of St. Benilde na ginagawa na niya ngayon at nagbubunga naman.
Sino namang magulang ang makakaisip na magbakasyon o mag-relax kung napatay ang anak mo sa palo at bugbog at hinahanap pa ang ibang mga may sala.
Ahhh minsan talaga siguro may maitanong lang sila.
Actually, hindi lang naman sila. Ang dami kayang mga anchor and reporters na minsan maloloka ka sa mga tanong lalo na sa mainit na mainit na pinag-uusapan na pork barrel scam.