Makailang beses nang ipinaliwanag ni Derek Ramsay na purely friendship lamang ang relasyon nila ng Queen of All Media na si Kris Aquino. They are the best of friends at nagsasabihan umano sila ng kanilang mga sikreto at problema.
Madalas na bigyan ng ibang kahulugan ang pagiging extra close sa isa’t isa nina Kris at Derek dahil maging sa mga anak, mga kapatid, at mga kaibigan ni Kris ay close ang hunk actor ganoon din naman daw si Kris sa kanyang pamilya.
Ang closeness nina Kris at Derek ay nagsimula sa isang beer commercial na kanilang pinagsamahan several years ago. Na-link man sila sa ibang partners, alam nila ito pareho dahil wala naman daw silang itinatago sa isa’t isa. Pero sa kabila ng mga paliwanag ni Derek, marami pa rin ang naniniwala na may special something sa pagitan nila ni Kris. Nang ma-confine si Derek sa pagamutan, dinalaw siya ni Kris at si Derek naman ay dumalaw din kay Kris sa set ng Kris TV. Kahit sa panonood ng movie ay nagagawa nila ito kasama ang mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby at ilang kaibigan.
Speaking of Kris and Derek, hindi na matutuloy pa ang pagtatambal ng dalawa sa bakuran ng Regal Films dahil hindi pinayagan ng Star Cinema at ABS-CBN si Kris. Maging ang movie na pagtatambalan nina Derek at Marian Rivera ay wala pa ring linaw.
Still on Derek, ngayong may bago siyang movie under Viva Films, ang Trophy Wife. Sina Cristine Reyes at John Estrada ay parehong Kapamilya at si Heart Evangelista naman ay isang Kapuso habang si Derek ay Kapatid.
Magmula nang lumipat si Derek sa TV5 ay hindi pa ito muling nakakatungtong sa bakuran ng dati niyang home studio, ABS-CBN.
Ogie tuluyan nang naudlot ang pagda-drama
Kahit hindi nagtagal sa ere ang musical show nila ng Megastar na si Sharon Cuneta, ang The Mega and the Songwriter at nagtapos na rin sa ere ang tawa-serye na Confessions of a Torpe, may dalawa pa ring show ang singer-composer-TV host na si Ogie Alcasid sa Kapatid Network, ang gag show na Tropa Mo Ko Unli at ang interactive game show na Let’s Ask Pilipinas na minana niya sa dating host nitong si Aga Muhlach na nag-expire na ang kontrata sa TV5.
Ang TV career ni Ogie ay nagsimula sa lumang ABC5 now TV5 sa pamamagitan ng now defunct gag show na Tropang Trumpo na pinagsamahan nila ni Michael V among others. In 1996, lumipat ng GMA sina Ogie at Michael at doon ay sinimulan nila ang long-running gag show na Bubble Gang. Noon isang taon naman ay nag-desisyong lumipat ng TV5 si Ogie at naiwan sa GMA si Michael V at iba pang cast ng programa.
Samantala, mukhang tuluyan nang na-shelve ang drama TV series ni Ogie na The Gift na pinamahalaan ni Mike Tuviera kahit nakapag-taping na rin sila ng ilang episodes.