Dapat magpasalamat sa ama, Julia naging maganda dahil kay Dennis

Nakapagtataka ba kung kontrahin ni Dennis Padilla ang balak na pagpapatalsik ng kanyang anak na si Julia Barretto ng kanyang apelyido sa pa­ngalan nito? Bakit ba naman kasi papalitan pa ito eh wala namang masama na ibinibigay ito sa batang aktres. Pasalamat nga siya dahil baka kung naging iba ang kanyang ama ay hindi siya lumabas ng ganun kaganda. Obvious lang na na­ging maganda ang kumbinas­yon ng mga genes nila ni Marjorie Barretto, kaya maganda si Julia.

So sa’n nagkasala si Dennis para hiyain niya ito sa pamamagitan ng pagpapatanggal sa kanyang apelyido?

Mikael bakit kaya nailang bigla sa dyoga ni Andrea?!

Kung kailan nakakailang proyekto na silang magkasama at saka pa maiilang si Mikael Daez sa boobs ng ka-love team niyang si Andrea Torres? Come on, Mikael, nasaan naman ang harm ng pagkakaro’n ng isang ma-boobsie na kapareha? At bakit ngayon mo lang pinoproblema ito?

Akting ni Nora sa hustisya kakaiba

Matapos ang ilang solo performances niya sa ilang indie films na feeling ko ay nagamit lamang siya, pero hindi nakatulong sa karera niya, bubulagain ni Nora  Aunor ang mga hindi pa kumbinsido sa kanyang mahusay na acting sa Hustisya ni Joel Lamangan. Talaga raw umakting dito ang Superstar. At ang isang mahusay na film ni Nora ay isang pelikula na hindi dapat palampasin.

 

Show comments