Confirmed na araw-araw nagbabasa ng PSN (Pilipino Star NGAYON) si Annabelle Rama dahil sa kanyang early phone call kahapon.
Naliligo ako nang tumawag sa telepono si Annabelle kaya hindi ko siya nasagot pero hindi siya tumigil sa pagtawag hanggang hindi niya ako nakakausap.
Inisip ko na may malaking balita na sasabihin sa akin si Bisaya dahil sa kanyang urgent call. ‘Yun pala, itatanong lang niya sa akin ang subject ng blind item ko kahapon dito sa PSN.
Natawa ako kay Annabelle dahil ibang tao ang iniisip niya na subject ng blind item ko.
Isa lamang si Annabelle sa maraming nagtatanong sa akin tungkol sa big story na hawak ng Startalk pero hindi ko puwedeng i-pre-empt ang aming show, kaya sa mga inaatake ng too much curiosity, abangan n’yo na lang tuwing Sabado ang Startalk.
Malay n’yo, makumpleto agad ng Startalk staff ang istorya kaya puwede na itong ipalabas sa lalong madaling panahon.
Hindi pa nakakaalis para sa bakasyon, Rap excited nang makabalik ng bansa
Happy si Rap Fernandez na kasama ko na pupunta sa Europe dahil may naghihintay na trabaho sa kanya sa aming pagbabalik.
Brando ang name ng karakter na gagampanan ni Rap sa Hiram na Alaala, ang bagong primetime drama series ng GMA 7 na mapapanood simula sa September 2014.
Hindi ko pa nakakausap nang masinsinan si Rap kaya hindi ko pa alam ang participation niya sa Hiram na Alaala.
At least, pareho nang magiging busy sa mga susunod na buwan si Rap at ang kanyang kapatid na si Renz na malapit nang mag-taping para sa remake ng Yagit na mapapanood din sa GMA 7.
Eugene at mag-asawang Jun at Perci nominado sa MIFF
Nominated sa best actress category ng Madrid International Film Festival (MIFF) ang Celebrity Bluff host na si Eugene Domingo.
Nominado si Eugene dahil sa performance niya sa Barber’s Tales. Nominated naman sa best director of a foreign language film si Jun Lana at sa best foreign language film ang kanyang asawa na si Perci Intalan, ang executive producer ng Barber’s Tales.
Magaganap ang Madrid International Film Festival mula July 15 hanggang July 23. Malaki ang tsansa na makakuha ng award ang Barber’s Tales kaya dadalo sa Madrid International Film Festival ang mga involved sa pagsasapelikula ng movie project na coming soon na sa mga sinehan.
Mga dasal ni Direk Chito pinakinggan ng Diyos
Of course, maligaya ang direktor na si Chito Roño sa pagkakabasura ng pangalawang rape complaint ni Deniece Cornejo laban sa kanyang talent na si Vhong Navarro.
Matagal na hinintay ni Chito ang desisyon ng Taguig City Prosecutor’s office at nang lumabas ang resolution noong Biyernes, tuwang-tuwa siya dahil nangyari ang kanyang matagal nang ipinagdarasal.
“Finally here it is. No more bitching about the pace of the process.. Thank you for all the prayers and support. And to the doubters, there will always be you because God also created bitter melons,” ang bitchy, but funny statement ni Chito nang mabasa niya ang resolution na nag-abswelto sa kanyang alaga.
Tahimik pa ang kampo ni Deniece. Hindi pa sila nagbibigay ng reaksyon o statement tungkol sa pagkakabasura ng kaso.
Hinihintay din ang pahayag ni Vhong na pihadong maligayang-maligaya rin dahil pinakinggan ng nasa Itaas ang kanyang mga panalangin.