^

PSN Showbiz

Hayden maraming natutuhan sa sex video scandal

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Malaking lesson ang naidulot kay Hayden Kho ang sex video scandal na kanyang kinasangkutan kung saan -involved sa nasabing sex video sina Kat­rina Halili at Maricar Reyes noong 2009. Ang nasabing sex video scandal ang naging dahilan kung bakit tinanggalan ng medical license si Hayden ng Professional Regulation Commission (PRC) dahil sa kanyang ginawang immoral and unethical conduct. Pero after almost five years, nag-pay off ang petition ni Hayden na ma-reinstate sa kanyang pagka-doctor at ito’y nangyari nung nakaraang Lunes, July 7 kung saan nilagdaan ng Board of Medicine Chairman na si Dr. Miguel Noche ang reinstatement ni Hayden.

Siyempre pa, tuwang-tuwa si Hayden na muli na namang tatawaging Dr. Hayden Kho.

Masaya rin siyempre para kay Hayden ang kanyang pamilya lalung-lalo na ang kanyang parents na labis na nasaktan at naapektuhan sa iskandalong kinasangkutan ng kanilang anak na siya ring naging dahilan para matanggalan ito ng lisensiya sa pagka-doctor.  At kahit ganun pa man hindi bumitiw sa pagtulong at pagsuporta kay Hayden ang patuloy na nagmamahal sa kanya na si Dra. Vicki Belo na masaya sa positive outcome ng petition ni Hayden sa PRC.

Bago ang magandang balita kay Hayden, naging abala ito sa pag-aaral at sa mga negosyong kanyang pinasok .But above all, mas lalo siyang napalapit sa Diyos. 

Kahit ‘nagpalitan’ ng kapareha, Sarah at Maja masaya para sa isa’t isa

Pop princess Sarah Geronimo and Maja Salvador are friends again at walang dahilan para intrigahin ang dalawa just because naging ex-boyfriend ni Maja ang boyfriend ngayon ni Sarah na si Matteo Guidicelli at na-link naman kay Sarah ang boyfriend ngayon ni Maja na si Gerald Anderson.  Since pareho naman silang masaya sa kanilang respective careers and love life, wala naman sigurong dahilan para mag-isnaban sina Sarah at Maja na unang nagkasama in 2006 sa TV series na Bituing Walang Ningning. Magkasama rin sina Sarah at Maja linggu-linggo sa musical variety show ng Dos, ang ASAP kung saan sila parehong mainstays. 

Si Matteo ay unang naka-trabaho si Sarah sa pelikulang pinagtambalan in 2011 nina Sarah at Gerald, ang Catch Me, I’m Falling, kung saan unang inamin ng actor-triathlete ang kanyang personal na paghanga sa pop princess. Last year, nali-link na ang dalawa sa isa’t isa at nung nakaraang March sa kaarawan ni Matteo ay doon lamang nakumpirma ng malalapit nilang kaibigan that there was something special going on between the two, pero kamakailan lamang kinumpirma ni Sarah ang kanilang relasyon ng actor.

vuukle comment

BITUING WALANG NINGNING

BOARD OF MEDICINE CHAIRMAN

CATCH ME

DR. HAYDEN KHO

DR. MIGUEL NOCHE

GERALD ANDERSON

HAYDEN

MAJA

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with